Hindi na nakapunta pa sila Bisonga dahil umuwi rin kami nu’ng hapon dahil si Luther may emergency. Galit na galit siya kanina sa katawag niya at gusto ko siyang tanungin pero hindi ako makahanap ng tamang pagkakataon. Kunot na kunot ang noo niya at nagmamadali. Mukhang seryoso talaga at kita ko naman ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi ko alam kung anong meron sa tingin ko ay kailangan kong tumahimik dahil halatang marami ang tumatakbo sa isipan niya. Gusto ko ang tumulong pero sa tingin ko ngayon ay katahimikan ang puwede kong gawin. Makalipas nga ang ilang oras ay hindi ko namalayang nakarating na pala kami sa bahay. Nakatulog kasi ako sa biyahe. Pagkababa namin ay kaagad na nilapitan siya ni Mr. Suave at may kausap siya sa ibang lengguwahe. Hindi ko naman maintindihan kaya gumilid lang

