Matapos nga naming magpa-salon ay nagpaalam na kami kay Ryle na uuwi at baka hinahanap na rin ako ni Luther. Mahirap na at nagiging tigre pa naman iyon. “Tara na,” aya ko kay Bisonga. Ilang saglit nga ay nakita ko pa siyang tila naghihintay kay Bogart na bumaba ng upuan. Hirap na hirap pa. “Crush mo?” tanong ko sa kaniya. Tiningnan niya lang ako at tinaasan ng kilay. Ang talipandas na ‘to parang walang narinig sa ‘kin. “Uuwi ka na ba?” tanong ni Bogart sa kaniya. Napaikot ko naman ang aking mata. Mahinhing ngumiti naman si Bisonga at tumango. “Balik ka rito ha, date tayo. Sa restaurant naman,” ani Bogart. Hinahawi pa nito ang buhok sa bandang noo niya. “Okay,” sagot ni Bisonga. Ipit na ipit pa ang boses. Pasimple ko namang kinurot ang tagiliran niya. Nanlalaki ang matang tiningnan

