Bumaba na kami ng sasakyan nang makarating sa site. “Dito na ba?” nakangiting tanong ni Bisonga. Mukhang good mood na ang matanda. Sa wari ko ay okay na sila ni Mr. Suave. Mukhang nagkaayos na at para na itong linta kung makadikit sa asawa niya. “No, maglalakad tayo papunta sa local tourist ng bundok na ‘to para ma-guide tayo,” sagot ni Luther. Kaagad na kinuha naman namin ang aming kani-kaniyang bag. Nauna na si Luther at nakasunod naman ako. Ang buong akala ko ay nasa ten minutes-walk lang ay sumobra na kami sa kalahati. Halos magkandakuba na ako sa paglalakad. Idagdag pang paakyat ito kaya halos humalik na ang nguso ko sa aking tuhod. Tiningnan ko sa likod ko si Bisonga at nagulat ako. Namumutla ang labi at naghahalhal na parang aso. Naliligo siya sa sarili niyang pawis. “O-okay k

