Chapter 59

1189 Words

Napabangon ako dahil sa liwanag na tumatama sa aking mata. Ngayon ko lamg napansin at wala na akong tali. Pumipikit-pikit pa ako at napangiti nang marinig ang tunog ng alon ng dagat. Hindi ko alam kung ano ang plano ng lintik na Cairo na 'yon. "Mabuti at gising ka na," wika ng matanda sa gilid ko. Nanlaki ang mata ko at nilingon siya. "Ahhh!" Pakiramdam ko ay lumayas ang kaluluwa ko sa katabi ko. Ngumisi siya at humarap sa akin.. "Takot ka sa byoti ko?" tanong niya. Napalunok naman ako. "S-sino ka?" kinakabahan kong tanong. Hindi ito si Patis at Suka. Iba 'to mas malala at mas matanda. Mahaba ang buhok at may dalawang ngipin sa harapan. "Ako si, Asin," aniya at makikipagkamay pa yata. Tinanggap ko naman 'yon. "N-nasaan sila?" tanong ko. "Naghahanap ng makakain," sagot niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD