Naglakad na ako papunta sa kuwarto namin. Rinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Luther. "V!" Hindi ko siya nilingon. Kahit gusto ko siyang tingnan ay tinitiis ko. May mali rin naman ako eh. May kasalanan din ako. Pinili kong hayaang mangyari iyon kaysa pigilan ko. Pinaglaruan ko rin ang sarili ko. Binuksan ko na ang pinto at pumasok sa loob. Kaagad na napahiga ako sa kama. Sumunod naman siya. Tinalikuran ko siya dahil hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko sa kaniya. Lumundag ang kama at ramdam ko ang titig sa aking likod. Nakagat ko ang aking labi. Gusto ko siyang lingunin pero pinipigilan ko ang aking sarili. Na-miss ko siya kahit sandali tapos na-guilty pa ako sa pagsuntok ko sa kaniya kahit deserve niya naman iyon. Iba-iba kasi tayo ng perception sa mga nangyayari. Siya pinil

