Gumilid ako at napasandal sa upuan. Ipinikit ko ang aking mata at hindi ko alam ang gagawin. Aalis ba ako? Ganoon-ganoon na lang ba? Iiwan ko na lang ba talaga si Luther dahil sa Chelsea na iyon? Pinaandar ko na ang sasakyan at gusto ko munang ikalma ang sarili ko. Alam ko hindi puwedeng galit pa rin ako at kakausapin ko siya. Baka lalo lang akong makagawa o makapagsabi ng hindi dapat. May nakita akong café sa gilid ng daan kaya huminto ako roon. Gusto kong mag-isip nang mabuti. Maganda ito at kaunti lang ang tao. Nipa hut style pa kaya maganda. Overlooking pa ang maliit na sapa sa unahan at may bridge na gawa sa kahoy. Nag-order lang ako ng lemonade at cheese cake. Habang nakaupo ay iniisip ko ang nangyari kanina. Hindi ko alam kung bakit nag-over react ako kaagad. “Haiiyy!” Buti na

