Simula nung aksidente sa slope, parang may mas tumaas ang pader sa pagitan naming ni Sir Lucian, na sinabayan pa ng malakas na hangin na bumabalot sa buong rancho.
At hindi ‘yon dahil sa tag-init — kundi dahil kay Boss Lucian.
Kung dati eh umiiwas lang siya ng tingin, ngayon para siyang may kasamang protective barrier pang harang sakin sa tuwing mag k-krus ang landas namin. Pero sa tuwing magkakasalubong naman kami ay para akong nakukuryente kahit hindi naman nagkakadikit ang mga balat namin.
PERO
naging... bugnutin siya.
Mapapansin mo kahit simpleng utos:
“Ella, bilisan mo diyan.”
Ako naman si tango nalang, uutusan niya ako ng nakatalikod siya.
“Opo.”
“Tapos ayusin mo nang maayos. Para hindi na kailangang ulitin.”
“Yes po, Boss.” Parang may kausap Nakong bato.
Pero kahit nagiging bugnutin siya, sa bawat pagkakataon na magkatitigan kami... para siyang napapaso, siya narin ang nagkukusang lumiko pag nakikita niya ko
Teka bakit parang may ginawa akong kasalanan?
Kanina, sa kainan, nagkasabay kami maghugas ng plato. Kasabay din yung mga ibang tauhan, pero syempre, dahil mahilig mang-asar mga ‘yon:
“O, Ella, bilisan mo para matabihan mo si Boss.”
“Eh baka naman may kasamang pabango ulit yan, Boss!” sabay tawa.
Pinilit kong ngitian sila. Pero pagtingin ko kay Boss—nakakunot ang noo niya, pero pulang-pula ang tainga.
At ako?
Ay Diyos ko, pwede ba akong lamunin na lang ng lupa?
Pero eto na ang kasunod.
Hapon, pinatawag kami sa bakuran. May mga bagong bitbit na trays ng punla na kailangan ilipat sa nursery. May ilang trays na basa, madulas.
Habang nagbubuhat ako, aksidenteng nadulas ang isang tray mula sa kamay ko — tumilapon ng bahagya.
“Ahh!”
Napaatras ako, pero bago pa ako matumba — isang mainit na bisig ulit ang humawak sa braso ko.
“Careful!”
Boses ni Boss — malalim, garalgal.
Nakakapag init ng puson, ay walanjo ka Ella!
Ramdam ko yung palad niya sa balat ko. Mainit. Mahigpit.
At nung napatingin ako sa mukha niya — ibang-iba ang tingin.
he looks angry for no reason, parang laging nakasinghal.
“t-thank you Sir...”
Mahina ko lang nasambit.
Pero mabilis niyang binawi ang kamay niya. Halos napaatras siya ng konti, nanginginig ang panga.
“Watch where you step. Next time... hindi na ako tutulong,” mahina niyang sabi. Is he angry? Did I do something? May mali bakong nagawa sa trabaho?
Napaisip din ako saglit, pang ilang beses na ba kong nadidisgrasya, at kapag may nangyayari sakin ay palaging nasa paligid si Lucian, hindi ko naman sinasadya yon alam ba nya yung salitang aksidente, kasalanan ko bang muntik ng madaganan ng dalawang beses at madulas ng isang beses.
Napahigpit ang hawak ko sa natirang tray sa kamay ko, hindi ko rin naman sinabing tulungan nya ko. Bahagyang nag init ang mga gilid ng mga mata ko dahil sa bugso ng damdamin.
Inis? Para saan? Para kanino? Inis sa sarili ko? Hindi naman ako nag papansin,.. hindi naman talaga..
Parang tinutusok ng karayom ang buong kalamanan ko lalo na sa dibdib ko hindi ko maipaliwanag kung bakit pero gusto kong umiyak.
Lumakad pa ang mga araw at Palagi nalang naka Singhal sakin si Lucian, kahit ata huminga lang ako sisinghalan rin niya ako.
Minabuti ko nalang din na manahimik at ilugar ang sarili ko sa dapat ay posisyon ng isang nagtatrbaho, kahit na Malaki parin ang epektong nagagawa nito sa akin sa tuwing mag kakalapit ng bahagya ang mga braso naming dahil sa trabaho, parang sasabog ata ang rib cage ko sa sobrang lakas ng kabog nito.
Nakahawak ako sa akong braso at hinahaplos iyon, ramdam ko pa yung mahinang kuryente na dumaloy lang don kanina lang, nag kabungguan kasi kami ni Lucian kanina habang binubuhat ang mga box ng gulay na isinasakay sa likod ng truck na dadalin sa buyer mula sa Maynila.
Unang-una hindi ko naman sinasadya na dumaiti ang braso ko sa braso nya, pero nung tinignan nya ako ay akala mong malaking kasalana na ang nagawa ko sa kanya. Hindi nako nakipag biruan nung tinignan nya ako dahil baka iba na lumabas na salita sa bibig nito kaya yumuko nalang ako na parang humuhingi ng pasensya at nang magkaroon ng pagkakataon na tumalikod ito siyang sibat naman ang ginawa ko, lumipat nalang ako ng pwesto yung hindi nya ako magagawang singhalan, baka matukso nanaman ako nila Kaloy baka lalong umusok ang tainga ni bossing.
“Ella, oy.”
Napalingon ako — si Manang Dalia.
“Ang pula mo. Okay ka lang?”
“Ha? Ah—init lang po siguro. Hehe.”
“Hmm. Init o ibang init?”
Ngumisi pa siya.
“huy Manang maghunos dili ka!” sabay tawa kong pilit.
Pero sa loob-loob ko:
Nahihirapan Nakong intindihin ang pagtratong ginagawa sakin ni Sir Lucian, kulang nalang sabihin niya sa mukha kong huwag kang gagawa ng mali at mapapatalsik ka na dito.