ilang araw na ang lumipas pero ganoon parin ang eksena naming ni Lucian, his more sensitive at mas mabilis ang kilos,
para tumakas at umiwas, napapataas nalang ang kilay ko sa inaakto nya, dahil kahit pati ang ibang kasama kong manggagawa ay napapansin na iyon, at ang palaging tanong saakin ng mga ito ay may nagawa daw ba akong mal isa trabaho at nagkakaganyan si Lucian, pero ang mas ikinagulat ko ay
“baka naman pinagsamantalahan mo si Bossing kaya para kang may germs kung iwasan” nagtawanan nalang sila ng marinig iyon pero ako itong namula sa hiya, sa isip ko palang naman sya pinagsamantalahan never ko nga syang nakatabi ng suuuupperrr dikit na dikit.
Mas lalo siyang naging tahimik. Yung dati kahit paano sumasabay sa biruan—ngayon, halos di ko na marinig ang boses niya. Ni hindi nako kinakausap kahit yung maliliit na bagay na iuutos niya sakin kay Mang Nardo pa niya sasabihin bago makarating sakin.
Pero ang mas nakakalito? Tuwing palihim akong titingin sa kanya, nakikita ko rin siyang sumusulyap. At pag nahuli ko, biglang nag-iwas ng tingin.
Ano ba talagang problema!!!
Umaga na at bumuhos nanaman ang malakas na ulan magdamag kaya basa nanaman ang lupa, madalas ko tuloy namimiss ang may kayakap sa gabi dahil sa lamig ng panahon dito sa rancho
Agad kong tinampal ang sarili sapat lang para gisingin ang sarili na dapat itigil ang pag-iisip ng mga ganitong bagay.
Bigla nalang akong napasimangot ng maalala ko yung eksena nang mahuli ko ang gunggong kong ex.
Hindi ko talaga alam kung ano bang Nakita ko sa panget nayon at sinagot ko, niloko nako iniwanan pako ng utang niya
Grrrrr BWIISSIITT!!!
Buti nalang may Boss Lucian na pang alis ng umay pag naalala ko yung siraulong yun.
Pero ayun at parang may cold war kami ni Lucian na hindi ko alam? He really did draw a line between a boss and an employee, not even a friend o di kaya ay ka close manlang ba.
Tanghali narin ng may delivery ng mga bagong kagamitan sa storage. Kasama akong nag-aayos at ang ibang mga trabahador.
Dumating si Boss, dala ang clipboard, pero obvious—na pinipilit niya akong iwasan, kahit tingin ay iniiwasan niya.
“Ella, dito ka sa kabilang gilid,” utos ni Tatay Juanco.
“Okay po.” Agad naman akong sumunod para mabilis ang trabaho naming
Baka nagtataka kayo kung ako lang ang babaeng tumutulong sa mga barako, hindi po ako nag iisa may mga iilan kaming kasama dito.
Sinaway narin ako nila tatay Juanco na doon nalang sa loob at mga papeles nalang ang hawakan dahil sayang daw kutis ko, baka daw hindi nako mabili pag nangitim ako.
Luh nabili nako dati ayon niloko at iniwanan pa nga.
Tinawana ko nalang sila dahil grabe naman sila sa hindi mabili hindi ko naman binebenta sarili ko, pero kung si sir Lucian ang bibili ay bakit hindi.
Lantod ni Ella. Huy kalma.
Habang nag-aayos ako ng mga lubid at panali, narinig ko yung mga lalaki sa likod ko.
“Oy, Ella, pag may delivery ulit ng bagong pabango, sabihin mo agad ha.” Tudyo ni Kaloy, batuhin ko kaya to
“Tama, baka mamiss ni Boss yung amoy.”
Sabay tawanan.
“ibato ko kaya sayo to” angil ko dito pero syempre pabiro lang nagtawanan lang kami pero binato ko tlaga si Kaloy, na parang kapatid narin dahil sa hindi nagkakalayong edad naming dalawa.
Ay. Diyos ko. Hanggang ngayon pinapansin pa yung kahapon. Gusto ko nang kainin nalang ng lupa sa kinatatayuan ko
Napapikit ako, napakagat sa labi nalang ako. Pero di ko maiwasang matawa rin.
Grabe, Ella. Talagang marka na yata sa buong ranch yung kahapon.
Pagsapit ng hapon, pinapunta kami sa likod para i-check yung mga bagong poste na gagamitin sa fence. Medyo nagmamadali ang lahat dahil nagbabanta na ang ulan.
Dahil basa ang damuhan, pinatong muna yung ibang poste sa gilid ng maliit na slope. Ako naman, busy sa pag-aayos ng mga tali, at di napansin na unti-unti nang dumudulas yung mga poste.
Habang nakatalikod ako, biglang sumigaw si Tatay Juanco:
“Ella, alis diyan—!”
Di ko na Nakita yung mga sumunod na nangyari. Narinig ko na lang yung kaluskos ng gumugulong na poste.
Pero bago pa ako madaganan, may malakas na bisig na biglang humila sa akin mula sa likod. Sa bilis ng pangyayari, pareho kaming natumba sa gilid ng damuhan.
Pareho kaming bumagsak at nagkataong ako ang nasa ibabaw
“Ah!” halos pasigaw kong reaksyon.
Napadilat ako ng maramdaman ko ang mahigpit na pagkakahawak ni Sir Lucian sa beywang ko
Si Sir Lucian pala ang humila sakin
Pero mas ikinagulat ko ang posisyon naming dalawa, nakapatong kasi ako sa kanya habang ang dalawang kamay ko ay nakapatong din sa matipuno niyang dibdib.
Matipuno at matigas, higit sa lahat mainit shocks! Ngayon lang ako nakahawak ng muscles. Sa mga nag g-gym ko lang kasi nakikita yung mga ganitong katawan
Pero bakit ang init ni Sir normal ba yon?
Parehong mabilis ang hininga namin. Halos isang pulgada lang ang pagitan ng mga mukha namin.
Yung mga mata niya na lagging umiiwas sa tuwing nag kakatinginan kami, ay titig na titig sakin.
Punong puno ng iba’t-ibang emosyon na hindi ko mawari kung ano.
Napatingin siya sa labi ko, tapos sa mata ko ulit. Hindi maipinta ang muka niya—he looks like his fighting from something inside him.
Natauhan lang ako ng bigla niyang pisilin ang balakang ko gamit ang kamay na nakayakap sa beywang ko.
bigla akong nakaramdam ng kakaibang init mula doon. Na dumaloy sa buo kong katawan.
“Boss...” mahina kong sabi, nanginginig ang boses ko.
Pero bigla niyang kinagat ang labi niya, pinipilit pigilan ang sarili. Ramdam ko yung biglang pagkibot ng mga kamay niya sa beywang ko—isang saglit lang, parang instinct na gustong idiin ako palapit.
Pero nag-pigil siya.
Nagpumiglas siya ng konti, bumulong ng paos na boses:
“Get... off. Now.”
Nagulat ako, at agad napalayo napahawak tuloy ako sa braso nito na nagbigay ng bolta boltaheng kuryente na una kong naramdaman nung unang araw ko dito, natapilok. Tuloy ako habang paatras na lumalayo
“Sorry! Sorry po!” alam kong pulang pula na ang mukha ko dahil sa nangyari at sa bigla kong naramdaman na hindi dapat.
Ano to pag nanasa! Bigla akong nakaramdam ng kakaiba, hindi na to yung kuryenteng nakakasakit, may nararamdaman akong hindi dapat at hindi tama.
Tumayo siya agad, pero nakatalikod. Nakasapo ang batok, halatang nanginginig ang kamay.
“this is wrong.. really wrong” mahina niyang sabi sa sarili.
Di ko alam kung anong mas mabilis—t***k ng puso ko, o yung hiya na gumagapang sa buong katawan ko.
Ano daw?sinong mali ako?!
Pero paglingon ko sa kanya—ay nagtatangis ang panga niya. Pigil na pigil. Para bang pinipigil hindi ko alam kung sa galit ba dahil sa nangyari, oh naramdaman din niya yung naramdaman kong kakaiba.
“Mag-ingat ka,” sabi niya, di man lang ako tiningnan.
Tapos, mabilis siyang umalis. “I don’t wants this kind of thing to happen again” madiin iyon at puno ng authority na kailangan sumunod ka dahil wala kang ibang pagpipilian.
Lumakad ito papunta sa direksyon ng mansion na mabibigat ang hakbang na para bang lahat ng nangyari ngayon lang ay kasalanan ko.
Iniwan ako roon—nanginginig, namumula at puno ng tanong sa isip
Hindi siya dapat sakin nagalit, dahil hindi ko naman ginusto na sa direksyon ko pumunta ang mga poste, bakit parang ako pa ang sinisisi niya sa aksidente.
Sabagay kung sakali man na nagderederecho nga sa kanya ang mga poste ay magiging casualty pa siya ng rancho.
Napayuko nalang siya at napahawak sa braso bahagya nya iyong piniga, isang paraan kung saan pinipilit nyang pakalmahin ang sarili at sabihing magiging ayos lang ang lahat.
Lucian’s POV
Hindi ko siya matingnan.
Kanina pa ako naglalakad pabalik balik sa bahay, pilit pinapakalma ang sarili, halos ipampaligo ko na ang malamig na tubig o kaya ay lagyan ng yelo ang tubig para mawala yung init na nararamdaman ko!
Tangina. Tigang na tigang kana ba Lucian!
Shit! This is not so you man you’re losing the game with just a simple touch and skin contact.
Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang init ng balat niya sa ilalim ng mga palad ko.
Ramdam ko pa rin ang amoy ng buhok niya, yung pinaghalong sabon at pawis — yung amoy na nakakawala ng ulirat
When I squeezed her hips, s**t I almost lost it, she’s to soft to naïve to innocent, or just ignorant.
Maybe, yeah maybe that’s the real answer, she’s insensitive.
Nasampal ko ng wala sa oras ang sarili ko dahil sa mga bagay na pumapasok doon
This is not right Lucian Cuanco hindi ka pinalaki ng ganyan ng magulang, you desire a woman whom you just met for a few days!
Nung bumagsak siya sa ibabaw ko, lahat ng pader na itinayo ko simula nung dumating siya... halos mabuwag.
Yung simpleng hawak ko sa beywang niya — isang maling galaw lang, isang pagkakamali lang ay baka naputol na yung kakarampot na pisi at mga rason na palagi kong tinatatak sa kokote ko.
Pero kayang kaya ko na siyang sunggaban, kung nagkataong wala kaming ibang kasama nung mga oras na yon ay baka hindi ako nakapag pigil.
I can eat her alive on that place, s**t s**t shit
This is really bad!
Kaya ko siya tinulak palayo. Kaya ko agad nilisan yung lugar na yun.
Hindi pwede. Hindi dapat.
Pero habang pinipilit kong pakalmahin ang sarili, isang tanong ang bumabagabag sa utak ko:
Ito bang si Ella... sadyang ganito ba siya ka-inosente? O sadyang ganito talaga siya makitungo sa lahat?
Kung alam lang niya...
Kung alam lang niya kung anong klaseng epekto meron siya sa akin.
Na sa tuwing mapapatingin siya, sa tuwing matatawa siya, sa tuwing di sinasadyang madikit ang kamay niya sa braso ko... halos magliliyab ang buong kalamnan ko.
Ilang araw ko pa ba kayang tiisin to?
Isa pa—yung mismong katawan ko na ang nagtataksil sa mga rason ko.
Sabi ng utak ko: "Wag kang lalapit. Wag kang titingin. Wag kang magpapadala."
Pero putangina, sa tuwing nandyan siya — lahat ng yan nawawala.
At sa bawat araw na lumilipas... mas lalo akong nauubusan ng dahilan para pigilan ang sarili ko.
Hindi siya para sa akin.
Isa siyang inosente, masayahing babae. Simple ang mundo niya. Hindi niya alam ang laro ng mga kagaya ko — ng mga lalaking... may ganitong klase ng pagnanasa.
Pero paano kung... paano kung siya mismo ang lumalapit?
Paano kung sa bawat ngiti niya, sa bawat titig niya — mas lalo kong gustuhin siyang angkinin?
Hindi. Hindi pwede.
Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong-hininga.
Pero kahit anong pilit kong bumuo ng pader sa pagitan naming dalawa... pakiramdam ko, bawat ngiti ni Ella — isang pako yun na bumibiyak sa pader ko.
At sa bawat araw na nagdadaan... mas bumibigay ako.