Chapter Seven

888 Words
Kinabukasan, iba ang simoy ng hangin sa ranch. Hindi ko alam kung ako lang ba, o talagang... mas malamig si Sir Lucian ngayon. Kanina pa ako naglalakad sa paligid, nagdidilig ng mga halaman sa harap ng bahay. Natanaw ko siyang galing sa kuwadra, bitbit ang balde ng tubig. Pawisan ulit. Grabe talaga, kahit pawisan, parang lalong gumuguwapo. Ay, Ella, ano ba yan. Focus! Pero habang papalapit siya, napansin kong... hindi man lang siya tumitingin sa akin. Ni isang sulyap, wala. Dumaan lang siya na parang hangin. “Good morning, Boss,” bati ko, pilit pa ring pinasaya ang tinig “Morning,” maikling sagot lang niya, hindi nagtagpo ang mga mata namin. Diretso lang ang lakad nito habang papalayo sakin Parang may kirot sa dibdib ko. Ay, ano na naman ‘to. Bakit may ginawa akong masama, kasuya suya bang tignan ang muka ko? Teka panget bako? Sa bagay ang ganda nung ex nya, baka di kaaya aya sa paningin nya ang antas ng kagandahan ko. Habang pinupunasan ko ang basang mesa sa kusina, dumaan ulit siya para kumuha ng tubig. Nandun din si Tatay Juanco, busy sa pagbibilang ng mga papel. “Boss, may kailangan po kayong ipabuhat? Libre ang muscle ko ngayon,” biro ko, sinadyang idinaan sa tawa para mabasag yung awkwardness. Pero tiningnan lang niya ako saglit, tapos balik sa pitsel ng tubig. “No. I’ll handle it.” At mabilis ulit siyang lumakad palabas. Ouch. Grabe. Hindi naman ako multo. Parang takot na takot naman siya sakin. Kaninang umaga pa niya ako iniiwasan naligo naman ako. Pinagpatuloy ko na lang ang trabaho ko, pero ramdam ko na may kumurot ng kaunti sa dibdib ko. Napagdabog ako ng bahagya sabay buntong hininga, wala naman akong maalalang ginawang mali sa trabaho, pabigat bako? Hind rin naman! Pagdating ng hapon ay pinatawag kami ni Tatay Juanco sa likod para tulungan magbaba ng kahoy na bagong dating. Pagdating ko roon, andun na si Sir Lucian. Hawak ang listahan, busy sa pag-aayos ng mga tao. Pero tuwing lalapit ako, lumalayo siya. Literal — lumilipat ng pwesto. Yung parang may invisible wall sa pagitan naming dalawa. Ano bang ginawa ko at nagkakaganyan siya? Sabagay di naman kami friends sabi nga niya “his acting civil” nyenye ewan ko Kaya habang busy kami, sa sobrang inis ko, naisip ko mag-joke ulit para maibalik kahit konti yung dating biruan. “Boss,” sabay lapit ko ng bahagya, “baka naman allergic ka sa akin kaya iwas ka nang iwas?” Paglingon niya, sandaling nagulat yung mata niya, parang caught off guard. Pero mabilis din siyang bumawi ng seryosong mukha. “stop talking nonsense Ella and do your job.” At bumalik sa listahan. Napahinto ako sa ere na bahagya pang nakangiti na nakanganga, I’m I’m I’m doing my job! O for christ sake! Did I really do something wrong! Teka ano bang ginawa ko! arghhhh Pero eto na ang epic fail ko sa araw na ‘yon. Habang nagbubuhat kami ng kahoy, napadaan siya sa likod ko. Hindi ko alam kung anong sumapi sa bibig ko—siguro kasi amoy ko pa yung sabon at konting pawis niya nung dumaan siya. Bigla ko tuloy nasabi, ng hindi ko napigilan: “Grabe naman, ang bango.” Malakas. Narinig ni Boss. Narinig ng katabing manggagawa. Narinig ng buong kalawakan. Nanlaki ang mata ko. Napakagat ako sa labi. “Ay! Ay—yung... yung kahoy! Yung kahoy pala ang bango! Yung kahoy! Haha…” pilit kong palusot, mukha kong kamatis. Biglang nagkatawanan yung mga kasama ko. “Aba Ella, sinong kahoy yang tinutukoy mo ha?” “Yung kahoy ba na may muscle?” “Eh baka naman ibang ‘kahoy’ ang pinabanguhan ni Ella!” sabay tuksuhan, tawanan pa lalo. “Hoy! Hindi! Yung kahoy! Yung kahoy na pine!” halos maputol ang boses ko sa kahihiya, nangingitim na ang batok ko sa init. Napatingin si Boss—may kunot sa noo, pero may bahagyang kislot sa labi, parang pinipigilan tumawa. Yung parang gusto niyang ngumiti pero biglang nagpipigil. Pero ayun, umalis agad siya, mas mabilis pa sa dati. At ako, halos gusto ko nang matunaw sa lupa. “Ella, ang galing mo talaga,” bulong ko sa sarili ko, kunot ang noo habang natatakpan ang mukha ko. “Bakit kasi hindi pwedeng manahimik minsan, ha?!” Habang naglalakad siya papalayo, nakita ko pa ang bahagyang mahigpit na hawak niya sa listahan—parang naiirita sa sarili. At lalong lumayo ang distansya naming dalawa. Pero sa totoo lang? nakakaramdam ako ng konting tusok sa puso ko, hindi ko alam kung bakit ako apektado sa ginagawa niyang pag-iwas. Sinampal ni Ella ang sariling pisngi para magising at bumalik sa reyalidad ng buhay. Na hindi niya dapat nararamdaman yung mga ganitong bagay, unang una Siya ang boss Pangalawa Empleyado lang siya Pangatlo Malabong magustuhan siya ng boss nya dahil mukang iba ang taste nito sa babae, Nakita naman niya nung dumaan at kumaway ang ex girlfriend niya, infairness ex na pero mukang close pa sila, bigla tuloy kong napabusangot sabay buhat ng mabibigat na kahoy. Parang nag karoon ako ng super powers sa inis. Pero at the end of the day, empleyado parin ako dito at siya ang boss, wala rin naman kami sa telenobela ano ko si Cinderella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD