“Ella, pumunta ka nga sa barn at tulungan yung mga naghahakot ng feeds. Nagmamadali ‘yung buyer,” utos ni Tatay Juanco habang nag-aayos ng papeles sa may porch.
“Sige po!” mabilis kong sagot. Kinuha ko agad ang gloves at nagsuot ng sombrero. Tirik na tirik ang araw at tagaktak na ang pawis ko, basa narin ang likod ko na ramdam na ramdam ko dahil sa ihip ng hangin.
Habang naglalakad ako papunta roon, hindi ko mapigilang kabahan nang makita ko si Sir Lucian sa may entrance ng barn. Naka-roll up ang sleeves ng puting polo shirt niya, may mantsa ng putik sa isang braso. Pawisan siya, hawak ang clipboard at may hawak ding lapis sa bibig habang may binibilang.
Gwapo. Tangina.
Nalaglag na ata ang panty ko
Ay, Ella, ano ba yan. Focus. Remember gumuhit ng linya at huminto dahil hanggang dito lang, parang ewan na tumatango mag isa si
Ella habang mabagal na naglalakad
Ilang bese pakong umiling para ibalik sa reyalidad ng sarili
Nang mapansin niya akong papasok, kumunot bahagya ang noo niya. Parang automatic na lumayo siya ng bahagya, tipong gusto niyang panatilihin ang distansya naming dalawa.
“Uhm, Boss, ako na dito. Pwede bang buhatin ko ‘tong mga magagaan lang?” tanong ko, pilit na pinasaya ang boses. Kahit ramdam kong hindi pa rin siya kumportable kapag malapit ako.
Nagtagpo ang mga mata namin sandali. Kitang-kita ko yung tension sa panga niya—parang pinipigilan ang sarili.
“Just... be careful,” malamig pero may halong pag-aalala ang tono niya.
Napangiti ako kahit na pilit kong pinigilan. Ayun naman pala, concerned din kahit papano.
“Copy that, Boss,” biro ko pa.
Tahimik siya. Balik sa pagbibilang ng mga stock.
Ako naman, lumapit sa mga sako. Inumpisahan kong buhatin yung mga hindi masyadong mabigat. Nakatuon ang isip ko sa trabaho, pero di ko maiwasang mapansin ang mga tingin niya paminsan-minsan. Tipong sumusulyap, tapos biglang iiwas. Parang may gusting sabihin pero ayaw naman ituloy, may pinipigil sa loob niya na ayaw niyang ipakita. Panay kunot pa ang noo nito at ang mga kilay na malapit ng magtagpo, panay din ang buntong hininga nito.
Habang nagbubuhat ako ng isa pang sako, hindi ko napansin na basa pala ang parte ng sahig — may natapon palang feeds at medyo madulas.
Sakto pa—may maliit na hagdan sa gilid, medyo nakatukod lang sa pader.
Habang humahakbang ako paharap, biglang nadulas yung sapatos ko, at sa malas, bumigay din yung pagkakatukod ng hagdan.
“Ella, watch out!” biglang sigaw ni Sir Lucian.
Parang biglang bumagal ang lahat sa paligid
Narinig ko lang yung mabilis na tunog ng gumuguhong hagdan. Di ko alam kung saan ako pupunta. Pero bago pa bumagsak ang hagdan sa kinatatayuan ko, isang matibay na bisig ang biglang humila sa akin mula sa likod, mahigpit ang kapit sa bewang ko.
“Ay—!” halos mapasigaw ako, pero napatigil nang maramdaman ko ang katawan niya sa likod ko.
Nasa loob kami ng barn—medyo madilim, ang tanging ilaw lang yung mula sa mga butas ng kahoy at maliit na bintana. Pero ramdam ko—yung mainit na hininga niya sa tainga ko, yung t***k ng dibdib niyang ramdam na ramdam ko dahil sa lakas noon,
Ang mga kamay niya, mahigpit pa ring nakapulupot sa bewang ko at parang ayaw Nakong pakawalan.
Napahawak ako sa braso niya nang kusa. Grabe. Ang init ng balat niya kahit pawisan. Huy Ella!
Nagpapantasya parin talaga kahit muntik ng maging palaman sa mga nalaglag na gamit.
Nagtagpo ang mga mata namin—paglingon ko ng kaunti, halos ilang pulgada lang ang pagitan ng mga mukha namin.
“Okay ka lang?” tanong niya, mababa ang boses, halos paos. Nakakunot ang noo niya pero nanginginig ang panga— halatang nag pipigil ito, oh ano galit ba siya sakin? Hindi ko naman kasalanan yung nangyari
“O-okay lang po...” mahina kong sagot, hindi makatingin nang diretso. Pero ramdam ko yung init sa pisngi ko. Parang nagdulot pa lalo ng kuryente sa buong katawan ko.
Sandaling namayani ang katahimikan at habol hininga parin ito dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Parang kahit ang ingay ng mga manok sa labas, nawala. Kami lang. Yung init ng katawan niya, yung amoy ng pawis at konting sabon sa polo niya—hala, Ella, ano bang iniisip mo.
Biglang bumalik sa wisyo si Lucian at mabilis pa sa alas kwatrong binitiwan ako na parang may nakakadiring sakit.
Muntik pakong masubsob dahil sa ginawa niya hindi nga nadaganan pero masusubsob naman.
“Be careful next time,” halos pabulong niyang sabi, mabilis na bumalikwas at lumakad palayo.
Iniwan niya akong nakatayo pa rin roon, puso ko parang kumakarera sa bilis ng tibok
Hawak ko pa rin yung baywang ko, para bang nag-iwan pa ng marka yung braso niya.
“Anong meron, Ella...?” bulong ko sa sarili, pero bigla akong napangiti ng kaunti dahil alam kong hindi lang ako ang naapektohan.
At sa bawat t***k ng puso ko, isang bagay ang sigurado:
Hindi lang ako ang natataranta.