Maaga pa lang, ramdam ko na ang lamig ng hangin pero mas malamig yata ‘yung pakikitungo ni Boss Lucian ngayon. Hindi naman siya bastos o suplado—pero may distansyang hindi ko maipaliwanag. Tipong andyan siya, pero parang gusto niyang itago ang sarili niya mula sa akin.
Habang nagwawalis ako sa porch, lumabas siya mula sa kamalig, may dalang kape. Tahimik siyang naglakad papunta sa akin at iniabot ito.
"Here. It's too early to work without coffee," sabi niya, halos hindi ako matingnan.
“Wow, boss. Nagpakape ka pa. Akala ko galit ka sa ‘kin.”
Tumaas lang ang kilay niya. “Just being civil.”
“Civil? O baka naman pinapakitaan mo lang ako ng kabaitan para hindi kita sabuyan ng sabaw sa tanghalian?” biro ko. "at para saan naman ang civil? civil naman talaga tayo?"
Civil? Natusok ata ng karayom na pang sesaryan ang puso ko para saan ang civil na sinasabi niya, akala ko kahit konti ay bahagya
Nakong napalapit sa puso nya, or kung hindi man sa puso nya ay kahit sa kanya,
Stop! Napahinto ata ako ng ilang Segundo sa pag iisip, kaya siguro ang dali kong malako sa lahat ng bagay ay dahil sa ganito kong pag uugali.
Napangiti siya ng konti, pero agad din nawala. "Don't throw soup at me. I cook better than you. and what i mean is where not that close i shouldn't act friendly or something, remember you're working to me i'm the boss"
Bahagya akong natawa sa mga binitawan nitong salita alam mo yung tawang pilit tawang plastic tawang may konting bahagyang bahagya lang na emosyon na hindi mo mawari kung ano, pero tulad ng sabi nya his my boss and my employer at trabahador lang ako na pinapasweldo nya.
I nodded a simple gesture that means I aggreed and understood what he just said. “yes Sir Lucian” I smiled yung ngiting kailangang mangumbinsi ng tao na okay tama ka.
His drawing a line between us na tama lang, na dapat nga ma appreciate ko dahil sinasabi niya na we cannot be friends or more than friends.
Tumango lang ito at ibinababa ang baso ng kape na itinimpla nya para sa akin, sabay talikod at lakad palayo.
Pero sa totoo lang, hindi lang pag guhit ng linya ang ginawa nya, kung hindi pag iwas.
Sa tuwing masisipat sya ng mata ko ay bigla itong mawawala, pag kasama ako sa mga trabahador na mag aani ng gulay ay bigla itong pupunta sa pinaka malayong parte ng gulayan at doon mag mamando. Napansin narin siguro ng iba kong mga kasama pero syempre wala naman akong say sa kinikilos nya.
Tanghali, habang kumakain kami sa labas, dumaan ang tricycle na may sakay na isang babae na obvious na taga-rito. Naka-tube top, todo make-up kahit tirik ang araw.
“Hi, Lucian,” bati niya, sabay kaway.
“Morning,” sagot ni Boss, mabilis at walang gana. Wala man lang tingin.
“Girlfriend mo?” tanong ko, casual pero may halong tukso.
“Ex. Matagal na.” kibit balikat na sagot nito sakin
Napataas ang dalawa kong kilay dahil sumagot ito sa tanong ko. Hindi nya siguro napansin na katabi na nya ako dahil busy ito sa pag lalagay ng mga pechay Baguio sa dyaryo.
“Ahh... okay.”
“what the Ella ano bang ginagawa mo riyan” gulat nitong sita sakin na nakatingin lang sa kanya, oa naman ng gulat parang nakakita ng mulot
Umirap nalang ako sa hangin sabay buntong hininga, bumalik nalang ito sa ginagawa nya pero halata ang pamumula ng tainga sa hindi malamang dahilan.
Tahimik ulit siya. At hindi iwas na iwas ang mga mata sakin, napatingin naman ako sa suot ko, hindi naman ito malaswa hindi rin revealing naka t-shirt lang sya na ginagamit nya sa trabaho, naka maong jeans lang din sya mejo fit pero sakto lang para makakilos, hindi katuad nung babaeng kumaway kanina na nakasuot ng pekpek short at kita ang ngingi ng pwet. Napahampas tuloy ako sa bibig ko dahil sa sama ng mga lumalabas na salita duon.
Narinig ko naman ang bahagyang tawa ni Lucian, ano kayang tinatawa neto. Pati pag tawa nya nakakalusaw ng tainga.
“Boss... may multo ba dito sa ranch?” tanong ko, para maiba lang ang usapan. At mabasag ang katahimikan at dahil himala at sumasagot sya sakin ngayon at hindi nag kumakaripas ng alis.
Napatingin siya, parang gulat sa tanong ko. “Why?”
“Kasi minsan parang... may mga matang laging nakatingin. Pero pag lumingon ako, wala naman.” Bahagya pang tumaas ang balahibo ko “alam mo yun yung pag patay ang ilaw feeling mo may ibang nakatingin sayo kasi may multo ka palang kasama” dagdag ko pa dahil totoo din naman, dahil baka may multo nga dito tapos ako lang pala ang hindi nakakaalam, dapat na siguro akong bumili ng rosary bukas sa simbahan.
Hindi sumaot si Lucian pero nag lilikot ang mga mat anito at hindi mapakali
"no, that's just your imagination" maiksing sagot nito sakin na parang sinasabi nyang stop Ella stop don’t talk to me!
Bandang hapon, habang pinapainom ko ang mga biik, napansin kong nandoon siya sa lilim ng puno, hawak ang tali ng baka. Tahimik lang, pero kita mo sa mga mata niya na alerto.
“Boss, baka masunog ka sa araw kakatingin,” biro ko.
Napaatras siya ng konti. “I wasn’t... looking. I was checking the fence.”
“Sure,” sabay tawa ko. “Baka naman ‘yung electric fence eh malusaw na kakatingin mo kanina ka pa kasi jan"
Hindi siya tumawa. Pero bahagyang kumislot ang gilid ng labi niya, na parang pinipigilan ang sarili.
Pagdating ng gabi, nagkasabay kami sa kusina. Ako, nagluluto ng sinigang. Siya, naghahanap ng asin.
“Boss, ayos lang kayo?” tanong ko habang inihahalo ang gulay.
“Yeah. Just tired.” halata nga sa mata niya ang pagod dahil bigla itong nagging malamlam, bat hindi ka mapapagod para kang nakikipaglaro ng taguan sakin.
"sabi ko naman sa inyo Sir iwan nyo nalang samin nila tatay Juanco yung trabaho tutal ikaw naman ang amo dito"
Nagtagpo ang mga mata namin saglit. Pero agad siyang umiwas. Awchii hindi naman masakit, at eto nanaman nga ang pusong mahilig umasa.
“Boss... may nagawa ba akong mali?” tanong ko, seryoso nako, okay naman kami nung unang dating ko dito, nakikisabay pa nga siya sa mga biro ko
Napalingon siya. Nagtagal ang titig niya, pero wala siyang sinagot. Sa halip, kinuha lang niya ang asin at tumalikod.
“Good night,” mahina niyang sabi habang papalayo.
Na-realize ko habang nakatayo ako roon, hawak ang sandok, na may kung anong pader sa pagitan naming dalawa.
Hindi siya suplado. Hindi rin siya masungit. Pero sigurado akong... may nagbago.
Anong naging problema?
May nagawa ba ko?
Yung nararamdaman ko? Siguro may nagbago nga, napahawak ako sa dib dib ko at pinakiramdaman ang sarili, crush? Pag hanga?
Dahil ba pogi sya?
Pero hindi naman eh kilala ko ang sarili ko at hindi ako mahilig sa gwapo, dahil ang mga lalaking gwapo ay mapanakit, masakit sila sa puso.
Kaya anong problema?
Sya ba o ako?