[Shun's POV]
Bigla akong napakabig sa manibela nang makita ang paparating na motorsiklong mabilis na lumiko sa gawi ko.
Sinubukan kong umiwas pero nahagip pa rin ng sasakyan ko ang panghuling gulong ng motor. Sumimplang iyon at tumilapon ang sakay na rider.
"Oh s**t!"
Kaagad kong itinabi ang sasakyan at nagmadaling bumaba para lapitan ang driver.
"Pot*ng*na, Shunjiro! Pag minalas ka nga naman! Siguradong matatanggalan ka ng lisensya!"
Nilapitan ko ang driver na nagsusumikap na makabangon. Balot na balot ito ng itim na kasuutan at matibay rin ang helmet na suot nito. Hindi naman siguro ito napuruhan?
"Pare, ayos ka lang ba?" tanong ko.
Tinulungan ko siyang makatayo pero napatigil ako matapos mapagtanto kung ano'ng parte ang nahawakan ko. Pinisil ko pa ito para makasigurado. What the heck! Dibdib niya ang nahawakan ko! At ang lambot! Ugh! T*ngina! Babae pala!
Kahit nakababa ang salamin ng helmet niya ay alam kong gulat na gulat din siya sa ginawa ko. Hindi ko naman sinasadya!
"Sorry!" bigla kong sabi pero hindi ko pa rin magawang tanggalin ang kamay mula sa malaman niyang dibdib. Ang sarap kasing hawakan. Para akong na-magnet.
Tinapik niya nang malakas ang kamay ko saka ako sinampal. Sa bilis ng pangyayari ay hindi kaagad ako nakagalaw. Namalayan ko na lang, wala na siya sa tabi ko. Iika-ika niyang tinungo ang kaniyang motor.
Nang matauhan ako ay sinundan ko siya at tinulungan na maitayo ang sasakyan niya.
"Tumabi ka!" singhal niya.
"Relax. Ikaw na nga 'tong tinutulungan, ikaw pa 'tong galit."
"Pasalamat ka, nagmamadali ako!"
"Give me your number so we can continue our arguments," pilyo kong sabi sabay ngisi.
Sinubukan ko lang baka bumigay. Pogi ko kaya. Hindi ba siya na-attract sa mukha ko? Hindi ba niya ako kilala? I am Shunjiro Nagamori! Ang pogi, mabango, mayaman at masarap na racer!
"Gago!"
Ouch. Nasira lahat ng naipon kong pride. Siya pa lang ang kauna-unahang babaeng nangahas na singhalan ako at tawaging gago. Halikan ko kaya 'to? Dana tanggalin niya ang helmet niya. Pero hindi 'yon nangyari at hayun na nga siya, angkas na ng kaniyang motor.
Ang astig at super sexy. Wow!
"Hey! Sigurado ka bang gumagana pa 'yang motor mo? Pwede naman kitang ihatid or better yet, sama ka na lang. Palitan natin motor mo. I have a Ducati at home."
"Sigurado ka bang gumagana pa 'yang utak mo?"
Natigilan ako sa sagot niya. Langhiya! Ang tindi ng dila!
Hindi na ako nakareak nang bigla niyang pinaharurot ang motor at iniwanan ako ng mabahong usok.
"Tsh! Tapang! Ikaw rin! Sinayang mo ang pagkakataon na matikman ang pinakamasarap na ulam!"
Napailing ako saka bumalik sa sasakyan ko.
Pagdating ko sa bahay nina Auntie Soledad ay nagulat ako sa nadatnan ko.
Nagkakagulo sila sa labas ng gate.
"Manang Dith! Anong nangyari?" tanong ko sa mayordoma nila pagkababa ko ng sasakyan.
"Shun! Tulungan mo kami! Si Ryushi!" nanginginig niyang salubong.
Napatingin kaagad ako sa sasakyan na nasa labas ng gate.
Nanlaki ang mga mata ko matapos makita mula sa nakabukas na bintana nito si Uncle Ryushi na wala nang malay.
Patakbo ko itong nilapitan.
"Anong nangyari?!"
"H-hindi namin alam! Narinig na lang namin ang isang putok mula dito sa labas!"
"Naabutan ko kanina pagbukas ko ng gate ang isang naka-motor. Nagmadaling umalis. Naka-itim siya lahat," lintanya naman ni Mang Gado, ang kanilang driver.
Naka-motor... Naka-itim lahat?
'Yung babaeng nakabanggaan ko!
***
[Apple's POV]
Mal parido!
Ang sakit ng mga siko at tuhod ko dahil sa pagkakasalpok ko kanina!
"Lintik na Shun na 'yon! Hah! Pasalamat siya, hindi niya pa oras! Pero sa oras na makita ko siya ulit, isusunod ko na siya!"
Marahas akong bumuntong-hininga saka inalala ang ginawa ko kanina.
*
(Flashback:
Matapos kong marinig na nakabalik na si Ryushi Nagamori ay sinadya ko siyang abangan sa labas ng bahay nila.
Nang makita ko ang kotseng huminto sa tapat ng malapad na gate ng Nagamori residence ay kaagad akong bumaba.
Bago pa man ito makakapagbusina ay nagmadali na akong lumapit at kumatok sa tinted na bintana.
Bumaba ang salamin at hindi nga ako nagkamali. Si Ryushi Nagamori nga ang lulan ng sasakyan at siya rin mismo ang nagmamaneho nito.
Magandang timing. Ryushi is alone!
"Yes?" tanong niya.
Itinaas ko ang salamin ng suot kong helmet sabay yukod para ilapit ang mukha sa nakabukas na bintana.
"Goodnoon."
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang makilala ako.
"Dimples?"
"Yes po."
"Bakit ganyan ang suot mo?" Napasulyap siya sa nakaparada kong motor sa tapat ng kalsada. "Y-you're riding in a motorcycle? Marunong ka palang mag-motor?"
Ngumiti ako nang makahulugan. "Pwede ba akong pumasok?"
"Y-yeah, sure." Binuksan niya ang pinto ng passenger's seat. "What are you doing out here? Did you just arrive too? Tsaka, marunong ka palang mag-motor? When did you learn to drive?" sunud-sunod na tanong niya nang makapasok na ako.
Tinitigan ko pa muna ang kaniyang mukhang kahawig na kahawig ni Kairo.
Napatitig din siya sa kalahati ng mukha ko na nakikita sa bukas na salamin ng helmet ko.
"Yes, marunong akong magmaneho ng motorsiklo, Mr. Nagamori, matagal na. Iyan ang gamit ko tuwing may importante akong lakad. At higit pa diyan ang kaya kong gawin. Marunong din akong humawak ng baril."
Lalong kumunot ang noo niya.
"Dim?"
Makikita ang pagdiin ng tingin niya sa mukha ko. Naroon sa mga mata niya ang pagtataka at paghihinala.
Tumungo ako at pasimpleng inabot ang binti ko na natatakpan ng itim na pantalon ko. Sa ilalim nito, inilabas ko ang 22 caliber señorita pistol at biglang itinutok sa mukha niya.
Nanlaki ang mga mata niya sa gulat.
"Dim!"
"Mr. Nagamori, bakit mo pinagtatakpan ang kasalanan ng anak mo?"
"W-what?"
"Alam mo ba kung ano'ng nagawa ko sa anak ni Mang Diosdado dahil lang sa hindi niya pag-amin sa akin ng totoo?!"
Itinapat ko ang baril sa kaniyang noo.
Napaatras siya. May takot akong nababasa sa mga mata niya ngunit mas nangibabaw roon ang tapang. Hmm, mag-ama nga sila ni Kairo! Tapang-tapangan!
"Ayoko sa sinungaling, Mr. Nagamori kaya pinarusahan ko si Mr. Dela Paz sa pamamagitan ng kaniyang anak. And now it's your turn to be punished!"
"Dimples! What-what are you talking about?"
"Si Kairo ang pumatay sa mama ko!" singhal ko.
Natigilan siya at unti-unting namumutla.
"P-paano mo n-nalaman?" mayamaya'y tanong niya.
Napangisi ako.
"Madaming paraan para malaman ang katotohanan, Mr. Nagamori. And here's another truth..." Inilapit ko ang bibig ko sa kaniyang tainga at bumulong, "I'm not Dimples. My name's Apple."
Dahan-dahan kong pinagapang ang baril sa kumakabog niyang dibdib, pababa sa kaniyang tiyan at huminto sa kanyang binti.
"Sayonara Nagamori-san." Pagkawika no'n ay kinalabit ko na ang gantilyo.
Umalingawngaw ang putok sa loob ng kotse kasabay ng pagpalahaw ng kaniyang sigaw dahil sa sakit.
Mula sa bulsa ay binunot ko ang syringe. Tinanggalan ito ng takip gamit ang bibig ko saka walang pakundangang isinaksak sa leeg niya.
"Have a good sleep, Nagamori-san dahil bukas paggising mo, mag-iiba na ang mundo mo."
Nanglata siyang napasandal sa backrest.
Pinagmasdan ko ang mga mata niyang napaluha na lamang sa dahil hindi na niya magawang gumalaw pa.
"Kung hindi mo lang sana tinakpan ang kasalanan ng anak mo, hindi ka sana nadadamay sa galit ko. Kaso, isa kang kunsintidor!"
Narinig ko ang biglang paglagitgit ng gate.
Kaagad akong bumaba ng kotse at nagmadaling umangkas bago pa man bumukas iyon.
End of flashback)
*
Bumuntong-hininga ako.
"I'm sorry, mama. I had to hurt him."
Sinabi sa akin ni Tito Mateo kung gaano kamahal ni mama si Ryushi Nagamori. Gayunpaman, hindi ko mapipigilan ang galit na siyang namayani ngayon sa puso ko.
Masama ang loob ko!
Mahal siya ng mama ko pero anong ginawa niya? Itinanggi niya ang hustisyang nararapat sa babaeng nagmamahal sa kanya! Hindi ko sila mapapatawad! Buong angkan nila! Pinagkakaisahan nila ang mama ko!
Nanginig ang mga kamay ko sa gigil. Hindi pa ako kontento sa sinapit ni Ryushi. Oo, hindi ko siya papatayin dahil mas gusto kong habangbuhay silang magdudusa!
Dugo sa dugo! Inalisan nila kami ng ina sa buhay namin, aalisan ko rin sila ng anak!
Lalong humigpit ang pagkakakuyom ko habang binubuo ang panibagong plano sa utak ko.