Kabisado ko na ang keypad door lock ng condo ni Renzi kaya dire-diretso na ang pagpasok ko sa loob. Napasinghap ako sa gulat nang may biglang humila sa akin. Hinawakan ko agad ang kamay nito saka ako nagpakawala ng sipa na mabilis naman nitong naiwasan. Nagpakawala ulit ako ng suntok pero kaagad nitong nahuli ang kamao ko at tinulak ako sa dingding sabay hawak nang mahigpit sa leeg ko. Tinapik ko ang kamay nito at tinulak ito sa dibdib nang buong lakas. "Hijo de p*ta Renzi!" Hingal at gigil kong sigaw nang mabitiwan niya ako. "Bakit mo ako inaatake?!" "Ano bang pinaggagawa mo?! Bakit si Dimples ang nililitis ngayon sa korte?!" Bumunot ako ng malalim na hininga at umiwas sa matalim niyang mga mata. Wala akong balak na magpaliwanag sa kaniya. "Ito ba ang gusto mo?! Ito ba ang pl

