Nagulat ang kakambal ko nang makaharap niya ako sa loob ng banyo. Nasa labas ang mga pulis na escort niya at naghihintay sa kaniya. Walang kaalam-alam ang mga ito na kanina ko pang inaabangan dito si Dimples. "S-sino ka?" Hindi niya nakikita ang totoong mukha ko dahil nakasuot ako ng kulot at makapal na wig, malaking salamin at malaking nunal sa gilid ng ilong. Napasinghap siya sa gulat nang sugurin ko siya ng yakap. Ramdam ko ang pag-alsa ng dugo ko nang makalapit sa kaniya. Ang amoy niya ay napakapamilyar sa akin. Para akong ibinabalik sa mga araw na mga bata pa kami, inosente at walang ibang alam gawin kundi ang kumain, maglaro at matulog nang magkatabi. Naaalala niya pa kaya ang mga araw na iyon? Hindi na mahalaga. Ang mahalaga ay ang ngayon. Hinila ko siya sa loob ng cubicle at i

