CUATRO

2232 Words
Nakahinga ako nang maluwag nang malaman kong malapit na kami sa bansang Pilipinas. Nagbihis ako ng fitted skinny jeans, itim na sleeveless na pinaibabawan ko ng itim na jacket at itim na snickers. Pagkatapos ay naghanda ako para sa paglapag ng eroplano sa international airport ng Manila. Nagsuot ako ng facemask, shades at itim na cap bago bumaba. Pagbaba ko ng eroplano ay para akong sinalubong ng kakaibang ihip ng hangin. This was the first time na nakatapak ako sa lupain ng Pilipinas simula nang magkaisip ako. Kakaiba ang pakiramdam. Mayroong excitement ngunit hindi ko magawang i-appreciate dahil sa totoong dahilan kung bakit ako nandito ngayon. Nagtuluy-tuloy ako papunta sa exit. Nakasunod ako sa isang grupo ng kalalakihan na kung mag-ingay ay parang mga batang hindi pa natuli. Sa likod ko naman ay nakasunod ang mga babaeng parang naasinan. "Hey! It's him!" "No it's not." "It's really him, Amanda! It's Shunjiro Nagamori!" "Oh my god! You're right! It's really him!" Nagtakbuhan ang tatlong dayuhang babae na kasabayan ko, papunta sa grupo ng mga lalaki. Humingi ng autograph ang mga ito sa isang lalaki na nakasuot ng red leather jacket, red cap at itim na facemask. Kaagad namang pinaunlakan ng mga lalaki ang tatlong dalaga at nagpa-picture. Nakatayo lang ako na parang tanga sa harap nila, hinihintay na matapos sila sa pagpapalitan ng numero. Nagkulitan pa! Nakakairita dahil nakaharang sila sa daraanan ko! Anong akala nila sa airport, playground? Tumikhim ako nang malakas para maagaw ang atensyon nila. "Oh, magpapa-picture din yata!" anang isang lalaki na siniko pa ang matangkad na lalaking naka-red jacket na kasalukuyang nagtipa ng numero sa cellphone ng babaeng pinaka-sexy sa tatlo. "Pagbigyan natin 'yan, Shun! Mukhang kababayan natin 'yan!" Sininyasan naman ako ng isa pa sa kasamahan nito. "Miss! Dito, pa-picture ka na, bilis! Aalis na kami." "Tss! Ano naman ang mapapala ko?" Natigilan ang mga ito sa sagot ko. Pati ang tatlong babae ay napaigtad ng kilay habang inirapan ako kahit na hindi naman nakakaintindi ng Tagalog. "Huwag kayong humarang sa daraanan. Nakakaabala kayo," kalmado kong dagdag saka humakbang at nilagpasan silang nawiwindang pa rin. Nagmadali akong lumabas at hinanap ang sundo ko. "Welcome home, Apple!" Isang matikas na lalaking nasa early forty's ang sumalubong sa akin mula sa white sedan na dala nito. Tinanggal ko ang shades at nakipagbeso rito. "Gusto kong makita si Mama." "Huwag muna ngayon. Nandoon sina Ryushi at Ricky sa lamay. Hindi ka nila pwedeng makita." Ang mga nabanggit na pangalan ay ang mga kaibigan ni Tito Mateo na nakarelasyon ng Mama ko noon. "Kailan ang libing?" "Sa makalawa." *** MALUNGKOT ang sandaling ito. Nag-iiyakan ang dating malalapit na kaibigan ni Mama habang pinanood ang pagbaba ng kabaong niya sa malalim na hukay. Ito na ang huling araw ni Mama sa ibabaw ng lupa. Ni hindi ko man lang siya mayakap sa huling pagkakataon. Gusto ko ring umiyak, gusto kong magluksa pero hindi ko magawa. Nalulungkot ako, masakit ang dibdib ko sa katotohanang hindi ko na makikita si mama at hindi na siya makakausap pa. Pero sadyang mahirap maglabas ng luha ang isang kagaya kong sinanay na maging bato. Tanaw ko sa malayo sina Tito Mateo at ang mga kaibigan niya na halos sabay-sabay na naghagis ng puting rosas sa kabaong. Hindi ko magawang lumapit dahil hindi nila ako pwedeng makita. Hinintay ko na lang na matapos ang libing. Madami akong gustong itanong kay Tito Mateo tungkol sa insedente na kumitil sa buhay ni Mama. Nagpaimbistiga ako at marami akong nadiskubre. Paano napunta si Mama sa liblib na lugar ng Quezon, malapit sa property na pag-aari ni Mr. Kazuya Nagamori? Sino ang katagpo niya? Sino ang huling kausap niya sa phone? At bakit hindi niya kasama si Tito Ryushi sa pag-alis ng restaurant gayung magkasama sila roon maghapon? Pagkatapos ng libing ay kinausap ko si Tito Mateo sa loob ng kaniyang sasakyan tungkol sa kaso ni Mama. "Case closed, Apple. Huwag na nating pilitin na ungkatin pa. All you have to do is wait for your twin to wake up from the coma." Nagkaroon ng heart failure ang kakambal ko matapos malaman na namatay ang Mama namin. Na-coma ito at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising. "Doon ka na muna sa nabili kong Isla sa Cebu." "Hindi ako matatahimik hangga't hindi nabibigyan ng linaw ang gumugulo sa utak ko." Bumuntong-hininga siya. "Stay out of it, please. Kung ayaw mong mapahamak ka at ang kakambal mo." "That's my mother, Tito Mateo!" angil ko. "Mataron a mi mamá!" (Pinatay nila ang mama ko!) "It was an accident, Apple! At sumuko na ang salarin. Please! Let the law punish him." 'I will punish the real culprit!' pero sa isip ko na lamang iyon. "I saw your son, Tito. Gwapo siya," pag-iiba ko. Dumiin ang tingin niya sa akin. "Apple! Mabait ang anak ko at matinong tao. Huwag na huwag mong pagtripan!" Nagkibit-balikat ako. "Para humanga lang, eh. Tss." Bumuntong-hininga siya. Maaring natakot siya na baka saktan ko ang kaisa-isa niyang anak. Hindi ko naman gagawin iyon. Maliban na lang kung haharang ito sa daraanan ko. "Prepare yourself. Isasama na kita sa Cebu." Hindi na ako nakipagtalo kay Tito Mateo at hinayaan siyang isama ako papuntang Cebu. Dinala niya ako sa Isla na nabili niya sa bahaging Norte. Binigyan niya ako ng cash na nagkakahalaga ng sampung milyon peso, panggastos ko sa araw-araw. Malaking halaga para sa iba pero para sa kagaya namin, barya lang ito. Hindi rin siya pwedeng basta na lang maglabas ng malaking halaga ng pera dahil mahahalata siya ng asawa niya. "'Pag may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Iwasan mong makipag-usap sa mga tao rito baka mapikon ka't makagawa ka na naman nang hindi maganda," bilin niya. Pinagbawalan din niya ako na gamitin ang mga cards ko dahil matutunton ako ni Papa kapag na-detect ng mga ito ang naka-active kong account. "Apple, por favor no cometas ningún delito aquí. (Huwag kang gumawa ng krimen dito.) Kung ano'ng klaseng tao ka sa Mexico, iwan mo 'yon doon at magpalit ka ng anyo dito. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" "Klaro." "Sana nga." Pagtango at pagsang-ayon lang ang ginawa ko sa lahat ng mga bilin niya para matapos na ang pagtatalak niya. Nakabalik na siya sa Manila ay bantay-sarado pa rin ako. Bagay na ikinairita ko. Lagi niya akong minomonitor from Manila. May mga tauhan siyang binayaran para magmatyag sa akin na akala niya ay hindi ko nahalata. Nagpakabait ako. Ilang linggo akong tahimik na namalagi sa Isla habang hinihintay na madala niya ang kakambal ko ngunit nang hindi makatiis at nang makahanap ng timing, sumunod din ako sa Manila nang hindi niya alam. Naghanap ako ng bahay na malayo sa syudad, bumili ng motorbike na magagamit ko at kumontak ng taxi cab na magiging on-call service ko sa mga planado ko nang lakad. Ipinagpatuloy ko ang pag-iimbistiga tungkol sa pagkakasagasa kay Mama. Lalong tumindi ang hinala ko dahil parang may gustong lumihis sa imbistigasyon. May taong gustong takpan ang totoong nangyari. At hindi ito kayang gawin ng isang ordinaryo at mahirap na tao lang. Naghinala na ako sa mga Nagamori. Posibling may kinalaman sila. Una, malapit sa property nila ang pinangyarihan ng insedente. Pangalawa, kasalukuyang magkarelasyon sina Mama at Ryushi ng mga araw bago siya nasagasaan. Kung hindi si Ryushi, posibleng ang ama nitong si Mr. Kazuya Nagamori ang nagpapatay kay Mama. Posible ring ang asawa nito ang nag-utos na gawin ang krimen dahil sa selos! Habang patuloy ang paghuhukay ko ng katotohanan, palihim ko namang minamanmanan ang kakambal ko na ngayon ay medyo nakakausad na mula sa pagkamatay ng mama namin. Lihim akong nagpapadala ng mga prutas kada-linggo sa condo na tinutuluyan niya. Sa ganoong paraan ay maiparating ko man lang sa kaniya ang nais kong sabihin sa kaniya na, 'ingatan niya lagi ang kalusugan niya'. Paminsan-minsan ay sinusundan ko siya nang palihim sa mga lakad niya. Sa tuwing nakikita ko siya sa malayo, napapangiti ako. Hindi ko mapigilan. Kamukhang-kamukha ko kasi talaga siya. Nasasabik akong mayakap siya pero hindi ako pwedeng magpakita sa kaniya. Hindi pa pwede... Lalo na ngayong may kasama siyang isang matangkad, tsinito at... oo, inaamin ko, gwapo ang lalaking kasama niya. Boyfriend niya kaya ito? Mukha siyang masaya sa piling ng lalaki. Masaya siguro ang buhay niya. Sumakay sila sa sasakyan. Malayo na sila ay tanaw ko pa rin ang sasakyan nila hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin ko. "Balang-araw, makakasama rin kita, Dimples." Bumuntong-hininga ako at pumihit. Pagharap ko ay napasinghap ako sa gulat nang makita ang isang lalaking nakatayo malapit sa akin. Seryoso ang mukha nito at halos tusukin na ako sa tulis ng mga tingin nito. Matagal niya akong tinitigan hanggang sa ang talim sa mga mata niya ay unti-unting napapalitan ng pagkalito. "Who are you?" Napaatras ako nang ma-realize ang lalaking kaharap ngayon. Siya si Lorenz Villar Mir... Ang anak ni Tito Mateo! Sinubukan kong lagpasan siya pero lalo lamang niyang iniharang ang kaniyang katawan. Sa tangkad niya at sa lapad ng pangangatawan niya, malabong makakalusot ako sa kaniya. Unless kung... Patutumbahin ko siya! Ibinaba ko lalo ang suot kong sombrero at tinakpan ang mukha ko ng dala kong sarong. "Too late for that. Nakita ko na ang mukha mo!" Nanatili akong nakayuko. Sinubukan ko ulit na umiwas pero tinulak niya ako at diniin sa pader ng katabing gusali. Napamura ako sa isip. Kapag patuloy siyang mangungulit, mapipilitan akong saktan siya! "Bakit mo pinapadalhan ng prutas si Dimples? At bakit mo siya sinusundan?" "H-hindi ko alam ang sinasabi mo. Paraan na, please..." Nagpanggap akong takot sa kaniya. "P-paraanin mo na ako. Wala naman akong ginagawang masama, ah?" niliitan ko ang boses ko para magmukhang inosenteng natatakot na masaktan niya. Hindi siya nagsalita. Nagulat na lamang ako nang bigla niyang hinaklit ang sarong ko at tinanggal ang sombrero. Nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kaniya. Tarantadong lalaking 'to! "A-akin na 'yan, please?" "You look exactly like her. Pinaretoke mo ba ang mukha mo?" "H-hindi po!" kaagad kong sagot sabay iling. Nanatili akong nagbaba ng tingin dahil ayokong makasalubong ang mga mata niya na parang hinuhukay ang buong kaluluwa ko. "Sumama ka sa 'kin." Bigla niya akong hinila at sapilitang pinasakay sa kaniyang sasakyan. Nagpumiglas ako at nanlaban. Pinagtangkaan ko ring saktan siya ngunit kung gaano kagaling sa self-defense si Tito Mateo ay higit naman na magaling ang anak niyang 'to! Nang itulak niya ako papasok sa sasakyan niya ay wala na akong nagawa kundi ang sumakay. "Saan mo ako dadalhin?" mariin kong tanong na nagtatagis ang bagang. "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko ulit nang sinimulan na niyang paandarin ang sasakyan. "To my place." "Kapag hindi mo 'ko pinakawalan, mapapahamak ka." Kumunot ang noo niyang tumingin sa akin. Ang mga mata niyang kastansyo at malalalim ay para na namang naghuhukay sa kailaliman ko. Hindi ko matagalan ang mga titig niya. "Papatayin mo 'ko?" tanong niya sa nayayamot na tono. "Hindi. Pero papatayin ka ng ama't kapatid ko. Kaya kung ako sa 'yo, pakawalan mo na ako dahil mapapahamak ang taong didikit sa akin." Umismid lang ang mapula niyang mga labi at nagpatuloy sa pagmamaneho. Pagdating sa parking lot ng isang building ay pinaulanan niya ako ng tanong na hindi ko naman sinagot nang tapat at totoo. "Sige lang. Magsinungaling ka pa. Malalaman ko rin ang pakay mo kay Dimples." Kinuha niya ang kamay ko saka ako hinila palabas ng sasakyan. Pakaladkad niya akong dinala sa elevator. Hindi rin naman ako pumalag. Sanay ako sa maruming pakikipaglaban pero hindi ko siya bastang saktan dahil anak siya ni Tito Mateo. Pagkapasok namin sa loob ng condo niya ay muli niya akong kinausap. Sinusubukan niyang magpakahinahon kahit na bakas na sa salubong niyang mga kilay ang inis. "I won't harm you, alright? Just tell me your real name. At kung ano ang balak mo kay Dimples. Bakit mo siya sinusundan?" "You want an honest answer? Fine." Bumuntong-hininga ako at matamang tumitig sa maganda niyang mga matang may mapilantik na lashes. "Kakambal ko si Dimples. Ako si Apple. Nagkahiwalay kami dahil kinuha ako ng papa ko noong three pa lang ako. Nang malaman ko mula sa dad mo na namatay si Mama, lumipad agad ako rito." "Kilala mo si Dad? " "Yes. Matalik siyang kaibigan noon ni Mama and he knows about me. Siya pa nga mismo ang nagpapunta sa akin dito. Tinulungan niya ako na makatakas kay Papa. Ngayong alam mo na, masaya ka na?" Bigla siyang namula at umiigting ang kaniyang panga. Tila ba mayroon siyang mga pagdududa na ngayon niya lang nakompirma. "Kaya pala!" mahina niyang sambit. Nagpalakad-lakad siya sa harap ko na parang ba namumroblema. Panay gulo niya sa kaniyang buhok. "Huwag kang magalit sa dad mo, Renz. Tumulong lang naman siya. At huwag kang mag-alala, hindi tayo magkapatid." Napatingin siya sa akin nang matalim na sinuklian ko naman ng matamis na ngiti. "Baka kasi isipin mo na kabit ng dad mo ang mama ko. They're just friends." Umismid siya at nagtungo sa kitchen area para uminom ng tubig. Pagkatapos ay humarap siya sa akin nang nakapameywang. Hindi ko maiwasang pasadahan siya ng tingin. Nangingibabaw ang karisma niya. Gwapo. Para siyang batang version ni Tito Mateo. Matangkad, matikas ang pangangatawan at mestiso. Iyon nga lang, mukhang suplado. "Tell me, ano'ng binabalak mo ngayon?" Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa couch at lumapit sa kaniya suot ang seryosong mukha. "Tulungan mo akong mahuli ang totoong pumatay sa mama ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD