Nabagot ako sa condo ni Renzi. Hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang pagkulong sa akin. Hah! Anong tingin niya sa akin? Bata?! Sumang-ayon nga siya na tutulungan niya ako pero heto't ikinulong naman niya ako sa condo niya. Gusto niya raw protektahan si Dimples.
He said he's worried na baka daw makita ako ng mga kaibigan ng kakambal ko at malantad ang pagkatao ko. Baka raw makarating ito sa Papa namin. Well, may punto naman siya pero pinakaayaw ko sa lahat ay pinapangunahan ako sa gusto kong gawin!
Naalala ko ang matandang nakakulong dahil sa pagkakasagasa nito kay mama. Naisipan kong bisitahin ito
Kumusta na kaya ang matandang iyon ngayon? Baka naman may lakas na iyong umamin.
Tumakas ako sa condo at nagtungo sa bilibid kung saan ito nakakulong.
Naghintay ako sa mesa habang nakamasid sa paligid. Mayamaya'y may lumabas na matanda mula sa looban kasama ang dalawang pulis na escort nito. Nang makita ako nito ay bahagyang nanlaki ang mga mata nito.
"Dimples."
Hah... Ibig sabihin, nakadalaw na rin sa kaniya si Dimples.
Alangan siyang ngumiti at umupo sa tapat ko.
"Kumusta?"
"Ok lang."
Simpleng pangungumusta lang noong una hanggang sa dumako kami sa pinakasadya ko.
"Hindi ikaw ang nakasagasa sa mama ko," biglang sabi ko sa gitna ng masayang pagkukwento niya tungkol sa kaniyang pamilya.
Natigilan ang matanda.
"S-sinabi ko na sa iyo noon, hindi ba? Dimples, ako ang nagmamaneho ng taxi noong gabing iyon. Kasalanan ko. Lasing ako no'n pero hindi ko sinasadya ang lahat."
"Scripted." Natigilan na naman siya. "Ilang araw mo bang mini-memorize 'yan? Umabot ba ng linggo? Buwan? Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin naperpekto."
Umiwas siya ng tingin sa akin. Mas itinuon ko naman ang tingin ko sa kanya.
"Mang Diosdado, sabihin mo sa akin ang totoo. Sino ang sumagasa sa mama ko?"
Hindi siya kumibo. Pinilit niyang itago ang mukha sa pamamagitan ng pagyuko.
Mabilis akong mairita at kakarampot lang ang pasensya na meron ako. Kaya hindi ko na patatagalin pa ang pag-uusap na ito.
"Ayaw mong magsalita, Mang Diosdado? Pwes, ako muna..." Tinitigan ko siya sabay tuko sa mesa para ilapit ang sarili sa kaniya saka bumulong, "Here's the truth about me, Mang Diosdado... Hindi ako si Dimples. I'm her evil twin. Ang anak ni Rosemarie Cordova na matagal nang nawawala. Alam mo ba kung saan ako galing? Sa impyerno!"
Pailalim siyang sumulyap sa akin at namemeke ng tawa.
"N-nakakatawa ang biro mo, ineng."
Bumuntong-hininga ako at sumandal sa sandalan ng silya.
"Hindi ako nagbibiro," mahinahon ko pa ring sabi. "Hindi ko pa nasubukan na magbiro at hindi ako marunong magbiro. Ngayon, aminin mo sa akin ang lahat o papatayin ko ang buong pamilya mo."
Nag-angat siya bigla ng mukha at pinanlakihan ako ng mga mata.
Nginitian ko naman siya nang makahulugan.
"Kayang-kaya kong gawin 'yon. Pwedeng-pwede kong dukutin ang mga anak mo, tanggalan ng mga lamang-loob at ibenta sa isang sindikato. Mamili ka lang kung alin sa tatlo mong anak ang uunahin ko."
Naikuyom niya ang mga kamay na nasa ibabaw ng mesa.
"Huwag... Na huwag... Mong gagalawin ang sinuman sa pamilya ko!" madiin niyang sabi na nagngangalit ang mga bagang.
Nginitian ko ulit siya. Gustung-gusto ko ang nakikitang takot at galit sa mga mata niya.
"Pwes, sabihin mo na sa akin ang katotohanang gusto kong marinig, Mang Diosdado."
Nanlilisik na ang mga mata niya at naluluha. Pinipigilan niya ang sarili na dakmain ako kahit pa alam kong gustung-gusto niya nang sakalin ako.
"Kayong mga mayayaman! Isinusumpa ko kayo!" mahina ngunit puno ng galit na singhal niya sa akin. "Tingin ninyo sa aming mga mahihirap ay mga tuta! Pinasusunod at pinaiikot lamang ninyo kami gamit ang marumi ninyong pera! Kapag hindi kayo sinunod, binabantaan niyo kaagad ang buhay ng pamilya ko! Sino ba kayo sa inaakala ninyo?!"
"Mang Diosdado, hindi ako mayaman. Mahirap lang ako."
Inilapit ko ulit ang mukha sa kaniya saka ipinakita sa kaniya ang tattoo sa palapulsuhan ko na itinago ko sa suot kong relo.
"Ito ang patunay na mahirap lang ako. Sino ako? Ako si Apple Cordova a.k.a señora-matadora. In English, lady killer, Mang Diosdado. Myembro ako ng isang gang na kumikitil ng buhay para sa pera! Kasama na roon ang mga taong gustong ubusin ang aking pasensya!"
Hindi siya nakaimik habang nakatitig sa seryoso kong mukha.
"Tsk, tsk! Mang Diosdado, naiinip na ako. Kapag naubos ang pasensya ko sa 'yo, baka unahin na kita at saka ko isunod ang pamilya mo."
Nanatili siyang walang kibo. Nanginginig ang mga kamay niya sa pinaghalong galit at takot na mababasa ngayon sa mukha niya.
Ilang saglit lang ay bigla na siyang namula. Ang mga kamao niya ay lalong humigpit sa pagkakakuyom. Sinubukan niyang tumayo ngunit bumagsak siya sa sahig at nangisay.
Kaagad na nagsidalo ang ilang pulis at inmates na kasalukuyan ding may dalaw.
"Mang Diosdado!"
Umatras ako palayo sa nagkumpulan.
"Anong nangyari?" tanong sa akin ng isang pulis.
Nagpakita naman ako ng kunwaring takot.
"H-hindi ko alam! Bigla na lang siyang nanginig at nagkaganiyan."
Kaagad nilang isinugod sa malapit na hospital si Mang Diosdado. Dahil sa sobrang galit ay tumaas ang kaniyang blood pressure na nagreresulta ng heart attack.
Mabuti na lang at hindi na ako tinanong ulit ng mga pulis .
With this face, aakalain ng mga tao na inosente ako at malaanghel sa bait. Kaya gustung-gusto kong magpanggap na lang. Pinakapaborito ko sa lahat ay 'yung nagmumukha akong takot na takot.
Pero minsan, hindi ko talaga mapigilan at kusang lumalabas ang sungay ko.
Noong araw na bumalik ako rito sa Quezon City, inalam ko agad ang lahat tungkol sa suspect sa pagkasagasa sa mama ko. Nagbayad ako ng ibang tao na mag-imbistiga ulit tungkol sa insedente ngunit lahat ng binigay nito sa aking impormasyon ay basi lang din sa kung ano'ng lumalabas na imbistigasyon ng mga pulis. Hindi ako nakontento kaya ako na mismo ang kumilos at naghanap ng paraan na maibunyag ang katotohanan sa likod ng insidente.
Ngayong sigurado akong maling tao ang nakakulong, hindi na ako matatahimik pa! Pagbabayarin ko ang taong pumatay sa mama ko at idadamay ko buong pamilya nito!
And as for Mang Diosdado, tuturuan ko rin siya ng leksyon dahil sa pagtakip niya sa tunay na salarin. Gusto kong aminin niya lahat kung sino ang pumatay sa mama ko!
Hinanap ko ang address ng bahay nila.
Una kong nakita ang kaniyang panganay sa labas ng kanilang bahay na mukhang bagong gawa. Bungalow ito na kinulayanan ng cream. Kataka-taka lang kung paano ang isang taxi driver ay nagkaroon ng ganito kaganda at kabagong bahay gayung lahat ng mga anak ay nag-aaral pa at ang trabaho lang ng asawa ay naglalako ng kakanin?
Napahimas ako sa kumikintab na rehas ng kanilang bakod na hanggang dibdib ko lang ang taas.
"Ate, sino hanap mo?"
Napalingon ako sa batang lalaki na nasa likod ko. Sa tantiya ko ay nasa six lang 'to.
"Hinahanap ko ang mama ng lalaking 'yan." Itinuro ko ang panganay ni Mang Diosdado na nasa labas ng pinto ng bahay.
"Ahh, si Inang ba? Nasa palengke siya, eh."
"Inang? Anak ka rin ba ni Mang Diosdado?"
"Opo. Bakit po?"
"Halika, samahan mo 'ko sa inang mo."
"Malayo, eh."
"Ok lang. Sakay tayong tricycle."
Isinakay ko sa tricycle ang bata at nagtungo kami sa bayan.
Pagkatapos ay sumakay naman kami ng taxi at nagpahatid sa bahay na tinutuluyan ko.
"Hindi naman 'to palengke, ate. Wala dito si Inang."
"Ssh. Hintayin lang natin siya. Upo ka muna at manood ng tv."
Binuksan ko ang tv at hinayaan itong maaliw sa palabas.
Nagtungo ako sa kwarto ko at kinuha ang isang bag ng mga mahahalagang gamit ko. May mga nabili ako mula sa nurse na binayaran ko ng isang milyon kapalit ng pagpuslit nito ng mga gamit sa hospital na magagamit ko.
Bitbit ko ang isang syringe na may lamang propofol, isang sedative na ginagamit ng mga eksperto para makatulog ang isang pasyenteng isasailalim sa surgery. Mabilis akong bumalik sa sala at tumabi sa bata.
Masyado siyang abala sa pinapanood kaya hindi niya ako napansin.
Ginawa ko naman itong pagkakataon para iturok sa kaniya ang karayom.
"Aray!" sigaw niya sabay lingon sa akin.
Nginitian ko siya.
"Bata, pahingi lang ako ng isang daliri mo."
Kumunot ang noo niya.
"Po? Bakit?" tanong niya. Nginitian ko lang siya at hinintay na makatulog siya.
*
Alas dose ng gabi nang tinawagan ko ang binayaran kong OnCall taxi driver.
Binuhat ko ang walang malay na bata at isinakay sa taxi. Kanina paggising niya, tinurukan ko ulit siya ng pampatulog para hindi mag-ingay.
Hinatid namin ang bata hanggang sa labas ng gate ng bahay nila. Nag-doorbell ako saka kami umalis at iniwan ang batang nakahiga sa semento sa harap mismo ng gate.
Pagkatapos ng ginawa ko sa anak ni Mang Diosdado, tingnan ko lang kung hindi pa rin siya aamin!