Kakasimula pa lang ng seremonya ng pangalawang kasal Nina Dim at Kai pero parang gusto ko na agad pumunta sa reception para maglasing. Nagkapatawaran na ang dalawa at ngayon ay nagmamahalan na ulit. Pero ang apple ko, galit pa rin sa akin at sa pamilya namin. Kaasar! Sana bumalik agad siya. Sobrang na-miss ko na talaga siya. Tulala lang ako sa buong wedding ceremony at parang zombie na nakasunod sa karamihan papuntang reception. "O, girls! Handa na ba kayo? Time to toss the bouquet! Excited na ba ang lahat na malaman kung sinong susunod na ikasal?" Tsh! Napailing nalang ako sa mga babaeng nagtitilian sa excitement. Kung nandito lang sana si Apple, baka sumali na rin ako sa grupo ng mga babaeng gusto makasalo ng bouquet. "Oh my ghaaad! Iba ang nakasalo!" Pati ako ay napalingon din

