Marahas na ibinagsak ni Mr. Kazuya Nagamori ang newspaper sa center table. "What's got into you, Shunjiro!? Are you out of your fvcking mind?! Naglalakad sa highway nang nakahubad?! Seriously?!You're ruining your image! You are causing a scandal in this family!" Napahilamos si Shun sa sariling palad. Tatlong araw na siyang hindi lumalabas ng bahay dahil sa labis na kahihiyan. Nag-back out na nga siya sa motor show na gaganapin sana sa susunod na araw dahil dito. Katawan lang niya ang nakahubad pero parang pati yata buong pagkatao niya ang nahubaran ng mga oras na iyon. Ilang beses na siyang konkontak ng team niya pero ni-deadma niya. Dagdag lamang sa sakit ng ulo ang mga ito. Alam niyang kukulitin lang siya tungkol sa show. Ayaw ng mga ito na mag-back out siya pero baka kapag pumunta

