*** [Shunjiro's POV] Mabilis kaming nagtayuan ni Apple nang marinig ang miserableng sigaw ng nanay ni ate Wenona. Ano'ng nangyari?! Kinabahan ako bigla! "Dito ka lang!" bulong ni Apple sa akin. Dahan-dahan siyang humakbang patungo sa pinto ng kwarto saka sumilip sa siwang. Sumunod din ako sa likod niya at nakisilip. Hindi ko makita ang mga lalaki kaya diniin ko ang sarili sa likod ni Apple at pilit na pinagkasya ang paningin ko sa siwang ng pinto. Nakita ko sa sala ang dalawang payat at matangkad na lalaki. Kapwa nakasuot ng puro itim, nakabonet at natatakpan ang buong mukha. Tanging mga mata lang ang nakikita. May dalang armas ang mga ito. Kasamahan kaya 'sila ng Joaquin na 'yon? Pero imposible. Si Wenona kasi ang hinahanap nila at hindi kami ni Chucky. "Ilabas niyo siya!" siga

