Tahimik ako sa buong byahe habang katabi si Aunt Soledad sa loob ng sasakyan. I was thinking, alam kaya ni Kai ang pinaggagawa ng mommy niya?! "Huwag mong ipagsabi kahit kanino ang tungkol sa nalaman mo, Shunjiro," biglang basag ni auntie sa katahimikan. Tumiim ang bagang ko at pilit siyang sinulyapan. "Bakit niyo 'yon ginawa, auntie? Hindi niyo ba alam na ang babaeng pinapatay mo ay ang tanging inaasahan ng pamilya nito?!" Bumuntong-hininga siya at tumingin sa akin. "Shun... Wala akong ibang choice. Kailangan kong burahin sa landas ko ang tinik na iyon. Ayokong makulong." "So it's true!" humihingal kong tanong ulit sa kaniya habang nanginginig ang kamao. "I-ikaw nga ang pumatay s-sa mama ni Dimples!" Nagtaas siya ng noo na tumingin sa unahan. "Oo." Hindi ko maintindihan ang emos

