[Apple's POV] Pagkatapos ng burol ni Wenona ay bumalik na ako ng Quezon para ituloy ang pag-file ng kaso laban kina Kairo at Soledad. Tumuloy ako sa isang mumurahing hotel. Sinadya ko iyon para maiwasang mag-krus ang landas namin nina Joaquin pero may sa aso talaga ito at naaamoy ako kahit saan ako magsusuot! Shit! Gustong bumalik ng mga paa ko sa loob ng hotel room matapos makita ang mga tauhan ni Joaquin sa hallway pero huli na para magtago. Nakita na nila ako! Kaagad nagsilapit ang mga ito sa akin at mabilis na hinaklit ng mga ito ang braso ko saka pakaladkad akong dinala palabasng hotel. Sa isang itim na Mercedes Benz nila ako isinakay at laking gulat ko nang makita roon si papa na tahimik na nakaupo sa rear seats. "P-papa!" "Are you happy to see me, niña de mis ojos?" malamb

