"Oh! My second grandson!" sambit ni Mr. Kazuya Nagamori. Napasunod na rin ng tingin si Papa sa pagpasok ng matangkad na lalaking bagong dating. Nag-uumapaw ang presko at gwapong mukha nitong may nakakayamot na ngisi. Habang papalapit ay nangingibabaw naman ang pamilyar nitong pabango at ang kayabangang laging dala-dala nito. Nagawa niyang makalapit sa mesa namin nang hindi pinuputol ang titigan naming dalawa. Ako rin ang unang umiwas. Kabwisit, eh! Yumuko siya at humalik sa noo ng matanda. "Lo." "What happened to your face?" tanong ng kaniyang Lolo nang makita ang kaniyang mga pasang malapit nang gumaling. Napasulyap siya sa akin saka ngumiti nang makahulugan. "Napaaway lang, lo." Tahimik naman ako at palihim na sinulyapan si Joaquin na nakatingin din sa akin. Kahit walang sali

