Apple's POV Sinipat ko muna ang paligid nang makalabas na ako. Siniguro ko munang hindi ako nasundan ng mga tauhan ni papa at Joaquin bago ako pumara ng taxi. Aalis ako ngayon na mismo papuntang Cebu. Malaking bagay ang pagtayo ko ng phone kaya nagkaroon pa rin ako ng kontak sa mga taong kakampi ko. Nagtext na rin ako kay Tito Mateo at sinabi niyang ipaasundo niya ako sa isang private plane. Kailangan ko lang magmadali sa pag-alis papuntang paliparan. Habang nasa byahe ay naisipan kong tawagan si Renz. "Apple..." Malat na ang kaniyang boses. Siguro sa pagod o kaya ay sa kaiiyak niya. Lalo tuloy akong kinabahan. "A-anong nangyari? Kumusta si Dimples?" Isang mabigat na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Kasunod nito ang tila hikbi na naririnig ko. "R-Renzi!" Buong buhay ko ng

