Kabanata 4

1605 Words
Rabiah "Ate, bakit tayo magluluto ng lumpiang gulay?" tanong ni Jerome noong isinama kong mamalengke. "Kasi hindi na magtitinda sina Manang Ging. Eh, pampakalma ni Kuya Russia ang tinda kong lumpiang gulay kaya kahit kaunti, magluto tayo. Ititinda ko naman. Hindi naman libre." Tumango ang kapatid ko. "Dito tayo bumili ng gulay, ate. Mas mura. Pilian na lang." "Sige." Bumuntot ako kay Jerome patungo sa stall na tinutukoy niya. Nakipagtawaran pa siya sa tindera nang makamura kami nang husto. Nang magkasundo sa presyo ay isa-isa naming pinili ni Jerome ang mga kukuning gulay bago kami bumili ng gagamitin sa suka. "Sigurado ka bang alam mo paano gumawa ng lumpiang gulay, ate?" salubong ang mga kilay na tanong ni Jerome habang buhat ang mga pinamili. Ultimo supot ng sibuyas ay hindi na ipinahawak sa akin. Itong kapatid ko talaga. "Oo naman. Napapanood ko si Manang Ging minsan kapag maaga akong nagpupunta ro'n--" "Hi, Biah. Ang ganda-ganda mo talaga," bati ng lalakeng nakasalubong namin. Pilit lang akong ngumiti. Sinamaan naman ni Jerome ng tingin saka niya ako hinatak na patungo sa sakayan ng tricycle pauwi sa amin. "Huwag mong ngitian 'yon, ate. Tatlo na panganay no'n saka lagi na lang napapaaway," aniya. Alam ko naman. Hindi ko lang alam kung paano ako magre-react kanina. Baka kung sungitan ko ay mapaaway pa kami ni Jerome. Hindi na lang ako umimik. Pinapasok ako ni Jerome sa loob bago siya sumakay ng tricycle. Nagpahatid kami hanggang sa kanto ng eskinita namin at nilakad na lang hanggang bahay. Syempre, si Efren na naman ang naiwan kay Lovely at maaga na namang lumayas si Mama para magsugal. Sanay na kami. Hindi naman kami makapagreklamo dahil kung boboses, sapok at gulpi ang abot kay Mama. "Anong nangyari diyan kay Lovely?" tanong ko nang maabutang umiiyak ang bunso naming kapatid. "Eh, kasi humabol kay Mama, ate. Napalo tuloy," sagot ni Efren. Bumuntonghininga ako nang manikip ang dibdib. Kawawa naman si Lovely. Ang liit pa. Kailangan pa ng kalinga ni Mama, pero ano bang maaasahan namin kay Mama? Wala naman siyang inalagaan nang maayos sa aming apat. Binuhat ko na lang si Lovely at pinasandal sa balikat ko. "Tahan ka na. Nandito na ang ate." Sumikip lalo ang dibdib ko nang kagatin ni Lovely ang hintuturo niya kasabay ng sunod-sunod na paghikbi. Tumayo naman si Efren at lumapit sa mesa para tumulong kay Jerome sa paghihiwa ng mga gulay. Pinatahan ko na muna si Lovely bago ko inilapag sa crib na pinagpasa-pasahan na naming magkakapatid. Ilang beses na rin namin 'tong ini-repair para lang hindi bumigay kaya nag-iipon din ako para mabilihan si Lovely ng bago. Kahit iyong mura lang sana dahil malikot na siya. Baka mamaya ay bumigay na ang kahoy nito. Kawawa naman kung masugat pa. "Kami na dito, ate. Ikaw na lang magbalot mamaya pagkatapos mong mailuto," ani Efren. Hinaplos ko siya sa buhok. "Thank you sa inyong dalawa. Hindi man tayo swerte kina Mama, swerte naman si ate sa inyo." Napangiti sila bago nagbiro si Jerome. "Aga naman maglambing, 'te hindi bagay sa'tin." Natawa kaming tatlo. Umiling-iling na lamang din ako saka na naghimay ng wrapper. Nagkwentuhan naman kami tungkol sa mga bagay na gagawin namin oras na makapagtapos kami ng pag-aaral. "Ako, magiging stylist ako ng mga sikat na artista," ani Efren. Umismid si Jerome. "Naks. Taas, ah?" "Mangangarap na nga lang, ba't bababaan pa, kuya? Bakit? Ano ba ang pangarap mo?" Ngumisi si Jerome. "Malayo kina Mama. Magkaroon ng sariling lupa na patatayuan nating apat ng kanya-kanya nating bahay para kahit malalaki na tayo, magkakasama pa rin." Tumaba ang puso ko. Nakakatuwang makitang kahit gaano kahirap ang sitwasyon naming magkakapatid, hindi nasisira ang relasyon namin sa isa't isa. Sana hanggang pagtanda namin, ganito kami. Hindi tulad nina Mama at Papa sa mga kapatid nila. Halos hindi na nag-uusap. Talagang hindi ako iniwan ng mga kapatid ko hanggang sa matapos namin ang pagluluto. Sila pa ang nagsalansan ng mga nalutong lumpiang gulay nang makaligo na ako. "Kayo na munang bahala dito, ah? Iyong binili natin kaninang ulam, Jerome, kayo na lang magluto," bilin ko bago ako humalik sa tuktok ng ulo ni Lovely. "Opo, ate," sagot ni Jerome." Lumabas na ako ng bahay pagkatapos magpaalam sa kanila. Naglakad lang ulit ako hanggang sa tattoo shop, pero dahil mainit ang panahon ay halos hingalin ako nang makarating sa shop. "Oh, Biah. Parang lalawit na 'yang dila mo," biro ni kuya Boyd sa akin nang maisara ko ang glass door. Nagpunas ako ng pawis gamit ang bitbit kong bimpo. "Ang init sa labas, kuya. naglakad lang kasi ako." Napansin kong napasulyap sa akin si Kuya Russia nang marinig niya ang sinabi ko. Nag-aayos siya ngayon ng mga gamit para sa unang session mamaya. "Bakit ka naman naglakad? Bente lang naman yata ang tricycle, 'di ba?" si kuya Boyd. Tumango ako. "Opo kaso sayang pa rin 'yong bente. Pambili na rin 'yon ng dalawang itlog pang-ulam namin." "Anak ng tokwa." Napakamot si kuya Boyd ng ulo. "Huwag mong sabihing pati pag-uwi naglalakad ka?" "Kapag gabi? Opo. Pero inaabangan naman po ako ng kapatid kong si Jerome doon sa kanto namin." I heard a sigh from kuya Russia. Ewan ko lang kung bakit. Hindi ko na lang din iyon pinansin. Nginitian ko na lang siya saka ako bumati. "Good morning, Kuya Russia." He jerked his head. "Morning," he said in a bored way before he started printing the design he created for the first client. Iniwan ko na ang basket sa counter at nagtungo na sa lagayan ng mga panlinis. Nagwalis na ako at nag-mop habang dumating naman ang unang kliyente ngayong umaga, ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang mapagtanto kung sino ba iyon. "Biah?" salubong ang mga kilay na tanong ni Dariuz saka ako pinasadahan ng tingin at umismid. "Oh, tingnan mo? Arte mo pa kasi. Janitress tuloy ang bagsak mo." Napalunok ako't itinungo ang ulo. Kailangan ba talaga niyang sabihin 'yon? Ano ba ang masama sa pagiging janitress? Marangal namang trabaho 'to. Ang hindi marangal, 'yong nagpapaligaw para makahuthot ng pera. Tumikhim si kuya Russia. "Why? Is there something wrong with her being a cleaner?" Napaangat ako ng tingin kay Kuya Russia nang marinig ko ang inis sa tinig niya. Pati ang ekspresyong nakaguhit ngayon sa gwapo niyang mukha ay hindi na maitago ang pagkapikon niya sa sinabi ni Dariuz. Ngumisi si Dariuz sa kanya. "Wala, pero ang pride kasi niyan. Palay na nga ang lumalapit, ayaw pang tumuka." I was surprised to see how kuya Russia scoffed. "Bakit? Kursunada mo ba empleyado ko?" Pinasadahan ako ni Dariuz ng malagkit na tingin. "Oo, kaso ang arte. Pakipot masyado bibigyan naman ng pera." Sumimangot na ako. "Nanghipo ka, syempre ayaw ko na sa'yo. Bastos ka." Napapitlag ako nang padabog na inilapag ni kuya Russia ang hawak niyang stencil gel sa tray. "I'm sorry. I think I'm gonna have to cancel our session." He smirked. Halatang naiinis na. "Masama pala ang pakiramdam ko. I might end up burying the whole f*****g tattoo machine in your back sa bigat ng kamay ko ngayon." Ngumisi si kuya Boyd. Tila alam na kung ano ang ibig sabihin ni kuya Russia. "Dariuz, balik ka na lang sa susunod. Pangit magtinta 'yan kapag masama ang timpla. May hangover pa naman 'yan." Dismayadong umiling si Dariuz. "Sinasayang mo ang oras ko, Valentino. Napaka-unprofessional. Hindi mo ba ako kilala?" Kuya Russia lifted a brow. "Dayo ako rito. Am I required to get to know everyone, hmm?" Umigting ang panga ni Dariuz. Mabuti na lang at may tawag siyang natanggap kaya umalis na lamang ng shop. Bumuntonghininga naman si kuya Russia bago ako tiningnan. Nagwala tuloy ang dibdib ko nang mapansing naiinis siya kay Dariuz. I felt like he wanted to tell me something but ended up shutting his mouth. Umiwas na lang din ako ng tingin at nagpatuloy na sa paglilinis. Kuya Russia enjoyed the spring rolls my siblings and I prepared. Sabi niya ay mas masarap ang timpla ngayon kaya nakangiti kong sinabing kami ng mga kapatid ko ang gumawa. Hindi naman siya nagkumento pero dalawang libo ang ibinayad sa buong basket ko. Pilit kong ibinalik ang sobra pero ayaw namang tanggapin. "Ibili mo ng itlog," aniya bago kinagat ang hawak na lumpiang gulay. Napaawang ang mga labi ko, Bumuhanglit naman ng tawa si kuya Boyd nang marinig ang sinabi ni kuya Russia. Sumimangot tuloy ako. Pinagti-trip-an yata ako ng dalawang 'to, eh porke't sinabi kong ginagamit kong pambili ng itlog 'yong imbes na pamasahe ko! I sighed and just continued cleaning. Natapos ang buong araw namin sa shop na pagod kaming lahat sa rami ng customer. Tinapos ko na lang ding linisin iyong mga naiwang kalat ng huling customer. Nauna na ring umalis ang ilang staff hanggang sa tatlo na lang kami nina kuya Boyd at kuya Russia na natira sa shop. "Una na po ako, ha?" paalam ko saka na lumabas ng shop bitbit ang basket at totebag ko na bigay sa akin ni Tasya. Isinabit ko sa balikat ang totebag at nagsimula nang maglakad palayo ng shop ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay lumabas na ng shop si kuya Russia. "Biah," seryoso niyang tawag. Nilingon ko siya. "P-Po?" He sighed then shut the glass door. Isinenyas niya rin ang ulo niya na tila itinuturo ang kanyang asul na Ford Wildtrak. "Get in the car." Nagwala ang aking puso habang bahagyang nanlaki ang aking mga mata. "S-Sasakay sa . . . kotse mo po?" He pursed his lips then nodded before he opened the door on the shotgun. Maya-maya ay malamig ang ekspresyon niya akong tiningnan. "I'm taking you home . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD