Rabiah
Parang mababasag na ang ribcage ko sa lakas ng kabog ng aking puso dahil sa alok ni kuya Russia. Hindi ko kaagad naproseso ang sinabi niya kaya mukha akong timang na nanatili lang na nakatayo sa pwesto ko't nakikipagtitigan sa kanya.
He sighed. "Biah."
Napalunok ako. "P-Po?"
"I said get in the car. I'm gonna give you a ride home. Babae ka. It's not safe for you to walk home," seryoso niyang sabi.
Nahihiya akong tumango. "O-Okay po." Pinigil ko ang tili na gustong lumabas ng aking bibig. "S-Salamat po."
Yumuko ako saka na lumapit sa kanya. Diyos ko, muntik na yata akong manlambot noong naamoy ko ang panlalake niyang pabangong hindi masakit sa ilong. Humalo rin ang amoy ng vape na kumapit sa kanyang damit. Ang bango naman nito kahit pagod sa paghapong pagta-tattoo?
Medyo mataas ang sasakyan kaya nahirapan akong sumampa. Muntik tuloy akong suminghap noong alalayan niya ako sa lower back ko nang makasakay ako ng kotse.
I pursed my lips until he finally shut the door. Pinakawalan ko ang impit na tili ko't pinigilan na lamang ulit ang sarili nang bumukas ang pinto sa driver side.
"Seatbelt," aniya.
Tumangu-tango ako habang pigil ang kilig. Hinatak ko ang seatbelt at sinubukang isuksok sa lock ngunit nangangain yata ng tanga iyon. Namula tuloy ako sa hiya saka alanganin siyang tiningnan.
"P-Paano nga po 'to? S-Sorry. H-Hindi kasi ako sumasakay ng kotse."
Tumaas ang kilay niya. "Wala ka pa bang naging boyfriend na naka-auto?"
Nahihiya akong umiling. "Wala pa." Lumunok ako habang namumula. "Wala pa akong naging b-boyfriend."
"Huh." He held the latch plate and secured it. "Why?"
Napakurap ako. "Ano pong . . . why?"
Seryoso niya akong tinitigan. "Bakit hindi ka pa nagkaka-boyfriend?"
Nagwala ang dibdib ko sa kanyang tanong. "K-Kasi . . ."
I slightly bit my lower lip. Napansin kong napdpad sa mga labi ko ang tingin niya. Ilang segundo rin siyang tumitig doon bago umiwas ng tingin at humugot ng malalim na hininga.
"Forget it. It's too personal anyway," he said under his breath before he finally started the car.
Natahimik ako sandali at nag-isip bago ko sinubukang magpaliwanag. "Uhm, wala pa akong naging boyfriend kasi parang . . . wala pa akong natitipuhan sa mga gustong manligaw sa akin."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Why? You've got pretty high standards that your dad had set, hmm?"
Hindi ko napansing gumuhit ang basag na ngiti sa mga labi ko. "Nag-set siya ng examples . . . ng mga katangian ng isang lalakeng hindi ko gugustuhing makita sa lalakeng makakasama kong bumuo ng pamilya."
Napansin kong natigilan siya. Lumamlam din ang mga mata at ang adam's apple ay nagtaas-baba.
"Sorry for asking," he said before he finally maneuvered the car.
"Ayos lang po." Lumunok ako habang nakikiramdam sa kanya. "P-Pwede rin bang . . . magtanong? Kung . . . kung ayos lang po."
He slightly jerked his head. "Go ahead."
"Bakit . . . dito ka sa lugar namin napadpad? May . . . kamag-anak ka ba rito?"
Umiling siya. "Wala, pero dati kong yaya 'yong nanay ni Boyd. We were pretty close when we were little dahil sinasama siya sa bahay tuwing bakasyon. When my--" He pursed his lips. Gumuhit din ang sakit at galit sa mga mata na tila nasaktan siya sa naalala. Humugot din siya ng hininga na parang may bigat na nais pawiin sa dibdib. "Things happened at home so I decided to pack my bags and visit my previous nanny. I fell in love with the vibe of this town so I decided to open my shop here."
Napatitig ako sa kanya. Ano kaya 'yong nangyari na naging dahilan para iwanan niya ang pamilya niya sa Maynila? Siguradong malaking problema iyon para magdesisyon siyang magsimula ng panibagong buhay rito sa lugar namin.
"Saan ang bahay n'yo?" tanong niya.
Tumikhim ako at itinuro ang daan. "Sa pangatlong kanto po, bababa na ako. Doon ako hinihintay ni Jerome."
Hindi siya sumagot. Pagkarating namin sa pangatlong kanto ay ibinaba niya ang bintana sa side niya. "Ikaw si Jerome?" tanong niya sa kapatid ko.
Nagtatakang tumango si Jerome habang sumusulyap sa akin. "Opo."
"Sakay sa backseat. I'll give you guys a ride home."
"Naku, huwag na po. Baka makita po ng mga kapitbahay, isumbong kay Mama," agap ko.
Salubong ang mga kilay akong binalingan ni kuya Russia. "Akala ko ba legal age ka na? Don't tell me your mother didn't know you work at my shop?"
"L-Legal age na." Tinaas ko pa ang kamay ko. "Promise po, legal age na talaga. Ano lang kasi . . . maraming chismosa sa amin. Baka sabihin po b-boyfriend kita." Namula ako sa hiya. "Sorry po. Mahirap na."
He sighed. "How far is your house?" he asked.
"Malapit naman na. Doon lang po sa dulo nitong kanto tapos liliko lang sa eskinita. Dalawang bahay lang tapos sa amin na."
Tiningnan niya ang dulo ng kanto bago bumuntonghininga. "Fine. I'll see you tomorrow."
Payak na lamang akong ngumiti. "Thank you po sa paghatid."
Bumaba na ako ng sasakyan at kumaway sa kanya. Nilapitan na man ako ni Jerome saka inagaw ang mga bitbit ko nang siya na ang magbuhat.
Naglakad na kaming dalawa ngunit maya-maya ay nilingon ulit niya ang pinagbabaan sa akin. "Ate, hindi pa umaalis."
"Huh?" Nilingon ko si kuya Russia. Nasa labas na siya ngayon ng sasakyan at nakasandal sa pinto ng driver side habang bumubuga ng usok. "Oo nga, ano?"
"Baka tinitingnan muna kung makakauwi tayo nang ligtas," hula ni Jerome.
"Siguro nga."
Nilingon ko ulit si kuya Russia saka ako kumaway. He jerked his head as if telling me to just walk. Noong nakaliko na kami sa eskinita patungo sa amin ay saka ko lang narinig ang pag-andar ng sasakyan paalis.
Ewan ko ba kung bakit kinilig na naman ako sa simpleng bagay na iyon. Wala naman siguro iyong malisya sa kanya. Baka mabuti lang talaga siyang tao at gusto niyang masigurong ligtas kaming makakauwi ni Jerome. Ayaw kong mag-assume. Mahirap na, ano. Ang tayog pa naman ng lalakeng gusto ko.
Masaya ang puso kong sumabay sa lakad ni Jerome hanggang sa narating namin ang bahay, ngunit pagbukas pa lamang namin ng pinto ay lumipad na patungo sa akin ang walang lamang pitsel. Napasinghap ako sa gulat at hindi kaagad nadama ang sakit ng noo kong tinamaan. Nauna ko pang naramdaman ang takot nang makita ang naniningkit na mga mata ni Mama sa akin.
"Ano 'tong sinusumbong ni Dariuz sa akin na ipinahiya mo siya kanina sa trabaho mo?!" Lumapit si Mama at idiniin-diin ang hintuturo niya sa sintido ko. "Hoy, tanga! Kung wala kang utak, gamitin mo naman 'yang kalam ng sikmura mo at ng mga kapatid mo nang makapagdesisyon ka nang maayos!"
Humapdi ang mga mata ko. "M-Ma, hindi ko naman siya pinahiya. Minata niya 'yong trabaho ko. Sinabi ko lang po--"
Napasinghap ako nang sampalin ni Mama ang aking pisngi. Halos mabingi ako sa lakas, at kung hindi lang ako naalalayan ni Jerome ay baka napaupo ako sa sahig.
"Sasagot ka pa!" Idinuro ako ni Mama habang nangingilid na ang aking mga luha. "Sa susunod na araw, isusuot mo 'yong damit na binili ni Dariuz at pupunta ka sa kanila. Ayusin mo 'yang mga desisyon mo sa buhay! Hindi ka matalino, Rabiah kaya 'yang lintik na katawan mo ang gamitin mo nang makaahon tayong pare-pareho sa hirap!"
"Ma, ano ba?" si Jerome kaya muntik na ring masapok ni Mama kung hindi lang ako pumagitna.
"Tama na po, Mama," pakiusap ko nang subukan niyang sapukin si Jerome. "P-Pupunta na po," labag sa loob kong sabi nang manahimik na siya. "P-Pupunta na po ako . . . h-huwag n'yo lang saktan si Jerome."
Umismid si Mama. "Papayag ka rin naman pala, ang dami mo pang arte!"
Lumabas siya ng pinto at padabog iyong isinara. Naluha na lamang ako habang nakatitig sa pinto nang mapagtanto ko kung ano ang nasabi ko.
"Ate, ano ka ba naman? Sana hinayaan mo na lang na saktan ako ni Mama. Sanay naman na ako," ani Jerome.
Nagpunas ako ng luha saka ko pilit na nginitian ang kapatid ko. "Huwag mo nang isipin 'yon." I sniffed. "Malakas naman ako. Mapagtatanggol ko naman ang sarili ko kung sakaling may gawin si Dariuz."
Umiling siya. "Hindi, ate. Adik 'yon. Baka mapa'no ka pa."
I cupped his cheeks. "Malakas si ate, Jerome." Muntik nang pumiyok ang boses ko. "S-Sige na, magpahinga ka na rin. A-Anong oras na."
He sighed. "Magpapainit na muna ako ng tubig para makapaglinis ka ng katawan bago matulog, ate."
"S-Salamat."
Binitiwan ko na siya saka ako dumiretso sa maliit na silid kung saan kami nagsisiksikang magkakapatid. Kinuha ko ang maliit na kahon kung saan ko inilalagay ang ilang perang naiipon ko sa ilang linggong pagtatrabaho ko sa shop. Nang maitabi ang ibinigay ni kuya Russia sa akin kanina ay dinampot ko ang picture niyang kasama roon sa box.
I smiled. Kung gaya lang sana ni kuya Russia si Dariuz . . .
I looked at Efren and Lovely with pain in my eyes. Muling nangilid ang mga luha ko nang makita ang itsura nila.
I pursed my lips and let my tears flow. Balang araw, makakaahon din kami sa hirap ng mga kapatid ko. Hindi na sila magtitiis sa karton na pinatungan lang ng kupas na sapin. Iyong unan, hindi na pinagsama-samang retaso ng tela. 'Yong gatas, hindi na sabaw ng kanin.
Isinara ko ang mga mata ko saka ko hinagod ang mabigat kong dibdib. "Diyos ko, huwag ho sana ninyong hayaang makagawa ako ng hindi maganda para lang mabigyan ko ng maayos na buhay ang mga kapatid ko . . ."