CHAPTER THIRTY SIX Si Lethal? Dito sa parteng ito ay parang ayaw ko maniwala. Hindi ko alam kung bakit pero kahit sa kaunting panahon na nakakasama ko ang taong ‘yon ay hindi ko maisip na masama pa siya. Pero ayaw ko rin naman isara ang isip ko sa iba pang posibilidad. Alam kong baka may mga bagay pa akong hindi nalalaman, baka marami pa, dahil kung minsan ay napaka misteryoso rin ng mga sinasabi ni Lethal. “Pinag krus ni Cent ang mga braso niya sa kanyang dibdib saka umismid. “Daig mo pa ang nag huhukay ngayon ng sarili mong hukay, sa susunod niyan ay naka ratay ka na sa hukay na ikaw mismo ang gumawa. Kasama na ang buong angkan mo.” Aniya sa pinaka seryosong tono. Ngayon ko lang siya nakitang naging ganito. Humalakhak ng tawa ‘yong lalaki saka tumango tango at tinuro turo silang dala

