CHAPTER 42 Hindi na umimik si Wayne kaya nawalan ako ng pag asa na makakuha ng sagot mula sa kanila lalo na nang mag bukas ang pinto ng elevator. Nasa harap na kami mismo ng abala na palapag kung nasaan ang laboratory. Hinarang ko agad ang sarili ko sa pinto ng elevator para hindi sila makadaan. “Bakit niyo ‘ko pinapapunta dito noong nakaraan sa tuwing sasapit ang alas dose ng gabi?” pursigidong tanong ko sa kanilang tatlo. Diretsong tinignan ko ang mga mata nila, hoping na makakuha ng sagot para sa tanong ko. “Kung gusto mo malaman, magpunta ka mismo dito sa ganoong oras.” Lumapit si Wayne saka tinulak ako sa balikat noong kaliwang kamay niya kaya naman napatabi ako. Bwisit talaga ang lalaking ‘to kahit kailan. Pumantay siya sa ‘kin nang tayo saka huminto at nagsalita nang hindi ako n

