CHAPTER 41

1751 Words

 C H A P T E R 41 KINABUKASAN ay pumutok ang balita patungkol sa nangyaring sunog kaninang madaling araw. Kumalat pa ‘yon dahil sa nakuhanan ng mga residente ng litrato na pader ‘di kalayuan sa mga building, may nakasulat doon na mensahe na hinihinalang galing sa grupo ng mga rebeldeng tinatawag ng lahat ngayon na Oasis. “Pakinggan niyo ang ingay namin patungkol sa gobyerno,” basa ko sa nakuhanang litrato noong pader na ‘yon. Napakunot ako ng noo. Sa pagkakatanda ko ay galit ang Oasis kay Lethal, sa buong Project Heroes, kay Tita Miranda at sa members ng Board. Pero ngayon ay sa gobyerno naman. Ibig sabihin ba noon... ang tinutukoy nilang gobyerno doon ay ang mga government officials na nasa likod ng Project Heroes? Napatayo ako mula sa sofa saka napalakad lakad habang nakapameywang.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD