CHAPTER 44 KUMAPIT ako nang mahigpit sa sinasakyan naming kotse ni Lethal dahil sa bilis ng patakbo niya. Emergency ang nangyayari ngayon sa city dahil sa biglaang pambobomba sa iba’t ibang building doon, magkaka tabi lang naman ang mga building na ‘yon pero matataas ang palapag non at maraming tao sa loob. Kalat na kalat na sa lahat ng news channel ang kuha ng mga taong naroon sa mga nag umpisa ng pagpapasabog ng bomba. “Oasis.” Sambit ko. “Pangalawang beses na ‘to, ang dami na nilang nadadamay na inosenteng mga tao.” “Hindi sila titigil hangga’t hindi nila nakukuha ang gusto nila makuha.” Ani Lethal habang seryosong nakatitig sa daan. “Anong gusto nila makuha?” curious na tanong ko. Nilingon lang ako saglit ni Lethal pero hindi na siya sumagot. Na naman. Agh. Pagdating namin sa lu

