CHAPTER 45 GULAT ang lahat nang mapanood sa mga telebisyon ang ineereng interview kung saan nagsasalita ang lider ng Oasis. Base sa hitsura ng katabi nitong reporter ay mukhang hinostage nila ‘yon pati na rin ang camera man nito. Tumatawang tumitig sa camera ito saka pabirong kinatok pa ang microphone. “Rinig na ba ‘to?” nakangising tanong niya sa reporter, takot na takot na tumango lang ‘yon sa kanya habang hawak at bihag ng ibang myembro ng Oasis. “Sige na, bossing, sikat na yata tayo niyan.” Pabirong sinabi pa noong isa sa mga kasamahan niya. Nilingon ko ang lahat ng mga taong nakatingala sa malaking television dito sa bayan. Lahat sila halo halo ang emosyon na pinapakita habang nanonood pero pakiramdam ko bawat bigkas nito ng kung ano ano sa telebisyon ay nanginginig sa takot ang l

