C H A P T E R F O U R T Y SIX Minsan napapaisip ako kung paano napunta sa lugar na ‘to sila Lethal, Margarita, Mint, Cent at Alonica. Hindi naman sila magkakapatid at magkakadugo. Hindi nila ‘to tahanan dahil wala naman ni isa rito ang miyembro ng pamilya nila. Paano kaya sila napadpad dito? At may isa pang tanong na gumugulo sa isipan ko. Bagong tanong naman. Anong dahilan... I mean, anong malalim na dahilan ang nagpapasunod sa Project Heroes para manatili sa Headquarters na ‘to at kay Tita Miranda mismo? Mukha namang ayaw nila ang Board at hindi na rin naman lingid sa kaalaman ko na may mga pagkakataon, maraming pagkakataon, na ayaw nila kay Tita Miranda at sa pagpaparusa nito sa kanila... pero bakit sila nananatili dito? “Si Lethal?!” nagpapanic na tanong ni Mint sa lahat. Humahang

