CHAPTER THIRTY EIGHT Naidiretso ko ng linya ang mga labi ko saka mabilis na tumalikod na para pumasok sana sa dressing room pero naabutan nito ang siko ko bago ko pa man maabot ang door knob ng silid. “Ano ba ‘yon? Magbibihis na ako. Ano, sasama ka sa loob?” sarkastikong sabi ko rito. “Bakit?” natatawang tanong niya kaya naman lalo ko itong pinagtaasan ng kilay at sinungitan. “Anong bakit?” “Bakit ang sungit mo?” “Hindi ako masungit. Ang sabi ko papasok na ako sa dressing room. Ayaw mo pa rin bitiwan ang siko ko, o bakit din? Bakit ayaw mo bitiwan ang siko ko?” “Mamaya ka na magbihis diyan. Mag usap muna tayo.” Aniya saka hinila ako palayo sa dressing room. Mukhang dadalhin niya ako sa dulo ng hallway kung saan makikita ang mga comfort room, corner na rin ‘yon na may malaking bintan

