C H A P T E R T H I R T Y T H R E E Sa tuwing may ganitong eksena sa araw araw na ililigtas ang miyembro ng Project Heroes, nakikita ko kung paano mag panic ang pamilya ng biktima. Naisasama ko sa litrato at video kung paano sila magwala at umiyak nang pagka lakas lakas dahil sa pag aalala. Naiisip ko na huwag na silang mawalan ng pag asa dapat dahil mapalad sila ngayong araw, narito ang Project Heroes para iligtas sila. Pero sa mga oras na ‘to... hindi ko mapigilang maiyak. Ganito pala ang pakiramdam. Ako pa rin ba ang paborito ng kamalasan at nanay ko naman ang nakikita kong hinohostage? “Ang sabi kasi noong mga bandido ay may hinihintay silang dumating. May hinihintay raw silang sasakyan na dumaan dito. Kotse raw ng mga super hero na sila Lethal, Mint, Cent, Alonica at Margarita.

