C H A P T E R T H I R T Y F O U R “Oasis ‘to ah.” Rinig kong sabi ni Lethal kay Cent bago sila tuluyang mag lakad papunta sa gitna para maagaw ang atensyon noong bandidong mga lalaki na kung ano ano ang mga sinisigaw sa mga tao para lang mapapunta sa lugar ang mga myembro ng Project Heroes. Nang makalapit kami sa gitna ay sinabihan ako ni Lethal na huwag lalapit kay mama kahit anong mangyari dahil sila na raw ang bahala. Kahit na ilang beses ko nang naiisip ang bagay na ‘yon gawin, lalo na nang magtama ang mga mata namin ni mama ay pinigilan ko. Sinenyasan ko ang umiiyak kong nanay na magiging maayos lang din ang lahat at huwag na siyang mag alala kahit na ako naman mismo rin ay abot abot ang kaba sa dibdib. “Sa wakas! Akala namin hindi ka na talaga sisipot eh,” bungad noong lalaking b

