Gusto mo na ba talagang mamatay? Hindi ka man lang ba tatakbo?” Inis na tanong ni Sena sa dalagang nakaupo pa rin sa damuhan at tila walang planong takasan siya. Sinugatan niya to sa braso na sapu-sapo nito ngayon. “Bakit? Kapag tumakbo ba ‘ko hindi mo ko maaabutan? Niloloko ko lang ang sarili ko na matatakasan kita! Bakit bigla papatayin mo na ‘ko kaagad?” Malinaw sa isip ni Moonshine na hindi siya papatayin ng mga ito dahil magiging imortal si Drifher. “Kung ako lang hindi kita ngayon papatayin ngayon. Pero nakasalalay sa ‘yo ang buhay ko kaya papatayin na kita!” Sinakal ni Sena si Moonshine na halos umangat sa ere ang mga paa. Hindi na makapagsalita si Moonshine dahil sa higpit ng kapit nito sa leeg niya. Mawawalan agad siya ng hangin, naramdaman pa niyang nagasgasan siya ng kuko ni

