SA isang iglap nakarating si Pandora at Moonshine sa gitnang parte ng kagubatan. Duguan si Sena at Drifher nang makita nila. Nasa dalawampung metro ang layo nang pagitan ng dalawa sa isa't isa. Ngunit bakas kay Drifher na dehado ito sa naging laban. Nakasandal ito sa isang malaking puno na nagsisilbing suporta nito, habang hawak-hawak nito ang bahagi ng tiyan na pinagmumulan ng dugong pumapatak dito pababa damuhang kinatatayuan. Si Sena naman ay ay mga sugat din. Ngunit nakatatayo pa ito ng diretso at ngayon ay nakangisi nang makita ang dalawang kadarating lamang. Nasa gitnang pagitan sila ng dalawa. Binitiwan kaagad ni Pandora si Moonshine. Tila ito kidlat sa bilis na agad dinaluhan si Drifher. Labis ang pagdurugo nito, kitang-kita na rin sa mga mata nito ang pangangailangan

