DINALA ni Drifher si Moonshine sa lugar kung saan una niya ‘to unang dinala. Ang kinalalagyan ng labi ng kanyang ama, ang hardin na kapares ng deskripsyon sa eden at punong-puno ng mga rosas na tinatawag na Moonshine na kulay bahaghari at nababalot ng mahika. Kung ano ang nararamdaman ng taong nagmamay-ari ng isang rosas na Moonshine nagiging salamin ang rosas sa damdamin ng taong iyon. Kapag nalulungkot at nahihirapan ang tao o alinmang nilalang na may-ari niyon, nagdurugo ang bulaklak. Kapag naman galit, pagiging ganid o kasamaan ang tumatakbo sa isipan, nagiging kulay itim iyon. Kapag naman kulay bahaghari at makinang, ibig sabihin lang na masaya ang nagmamay-ari rito. Nagaganap lamang ang ganoon sa mga Moonshine roses kapag pinitas. Habang hindi ito pinipitas ay makikinang n

