Masayang masaya si Moonshine na nasigurado na niyang mahal siya ni Drifher. Hindi niya kayang pigiling hindi maniwala rito. Sobra niyang minamahal si Drifher, hindi pa rin niya nagawang mamuhi rito. Ganito pala ang magmahal, sana nga may paraan pang iba para mas matagal silang magkasama. Pero sa ngayon, hindi muna nila iisipin na may hangganan ang pagsasama nila katulad ng sinabi nito kailangan niyang maniwalang may paraan pa para manatili silang buhay pareho. Mas magiging masaya sila sa mga susunod na araw. Para Kay Moonshine ang mabuhay kasama si Drifher ay isang biyaya na dapat pag-ingatan. Ngayon parang nauunawaan na niya kung bakit dumating sa punto na nakagawa ng sumpa ang lola niya, marahil sobra talaga itong nagmahal pero sa kanila ni Drifher hindi ‘yon mangyayari dahil hindi

