SI Pandora na nagpipigil ng galit ang unang dumating sa bulwagan ng pagpupulong. Naroon na si Drifher sa kabisera at nakasalikop ang mga palad sa mahabang babasaging mesa. Nasa likod nito si Frey, ang kanang-kamay nito. “Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Mas pinahihirapan mo ang sarili mo kung ilalapit mo siya sa’yo!” inis na pabulyaw halos na wika ni Pandora na agad natakot ng masama ang isinukling tingin sa kanya ni Drifher. “Alam ko kung anong makakabuti para sa ‘kin Pandora, hindi ko kailangan ang opinyon mo,” nagbabadya na ang galit nito kaya naupo na lang si Pandora sa pwesto niya malapit dito. Ngitngit na ngitngit siya. Matagal na niyang minamahal si Drifher at aminin man niya o hindi, nagseselos siya sa babaeng mortal. Ilang beses nitong iniligtas ang buhay ng babae, minsan i

