ISINAAYOS ni Moonshine sa kama niya ang mga dadalhin. Tinanggal niya ang laman ng backpack niya at pinalitan ng mga kakailanganin niya. Ang ibinigay ni John sa kanya na anti-vampire weapon. Naalala niya ang baul sa ilalim ng kama niya na tinungo niya at hinila iyon papalapit sa kanya. Hinipan pa niya ang ibabaw dahil maalikabok na agad. Kinuha niya ang diary at panulat pati na rin ang may batong emerald na kuwintas. Minsan nang sumagi sa isIp nya na lutasin ng black magic ang problema nila ni Drifher. Pero nilalabanan siya ng takot sa Diyos. Hindi iyon katanggap-tanggap. Hindi niya gustong bigyang sama ng loob ang Diyos na lumikha sa pagiging suwail niyang anak nito. Bumagsak ang bookmark ng naturang dyornal bago pa man niya iyon maisilid sa back pack niya. Iniangat niya iyon

