NAGULAT si Moonshine ng kapain niya ang punyal sa ilalim ng unan ay may kasama na itong isang libro. Inangat niya ang unan para alamin kung ano iyon. Sa pagkakaalam naman niya hindi niya iyon inilabas ng bag niya? Hindi niya napigilang buklatin iyon kahit alam naman niyang wala siyang matatagpuan sa loob kundi ang bookmark lang. Siguro mas gagaan ang loob niya kung magsusulat siya. Pero kailangan siguraduhin niya na itatago niya iyon sa di makikita ni Drifher, na tila habang tumatagal nawawalan ng oras sa kanya kaya lalo siyang nasasaktan at higit sa sa lahat lalo nitong pinatutunayan na tama si Pandora,umaasa siya na magpapaliwanag ito dahil alam nito na nakita niya ang naganap dito at kay Pandora pero wala siyang paliwanag na narinig maging paghingi ng tawad na lalong nagpaigit

