Chapter 21

1793 Words

Naglaho sila ni Drifher iyon ang naaalala ni Moonshine. Sa isang iglap lang nakarating sila sa isang kakaibang lugar. Kung kanina ay isang maliwanag na umaga ang bumungad sa kanya, sa lugar na iyon ay tila papalubog na ang araw. Nasa ibang bansa ba sila? Namangha si Moonshine nang marinig ang umingit na tarangkahan at bumukas iyon na halos magpalula sa kanya. Bumuluga sa kanya ang isang malaki, matayog, at nagyayabang na kastilyo na sa babasahing fairytale lang ni Moonshine nakilala at nakita. Awtomatikong napanganga si Moonshine. “T-totoong kastilyo?” Nangiti si Drifher. Nang pumasok sila ay hindi pa iyon mismong kastilyo dahil may pamayanan pa at sa dulong bahagi pa ang kastilyo. Nagmamadali ang mga bampirang tumabi sa gilid ng daanan at parang may hudyat na sabay-sabay na tumungo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD