Kryne's Point Of View* Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Ano bang ginagawa ng lalaking ito dito? Tinaasan ko siya ng kilay at malamig na tumingin sa kanya. Tumalikod ako at lalabas sana nang mapansin ko na nakalock ang pintuan ngayon. Dammit! Planado nga nila na dalhin ang lalaking ito dito. "Kryne, please talk to me." Napabuntong hininga ako at tumingin sa kanya. "Para saan naman, your Grace?" tanong ko sa kanya at nakita ko ang gulat sa mukha niya nung tawagin ko siyang ganun. "Pwede bang umupo ka muna dito." Inisug niya ang upuan para makaupo ako. "Please." "Para saan naman kung uupo ako diyan? Wala naman tayong relasyon diba?" Agad siyang umiling iling dahil sa sinabi ko. "No... Please let me explain everything." Lumakad ako at umupo sa upuan at nag kibit

