Kryne's Point Of View* Nakarating ako sa lugar kung saan nagtetrain ang mga Guards ni Dio at hinanap ko yung Bodyguard na kausap ni Earl. Hanggang sa makita ko siya. Lumapit sa akin ang Leader ng mga Guards dito. "Milady, ano po ang ginagawa ninyo dito?" Yumuko siya ng kaunti. Kilala ko na ang Leader nila dahil ako mismo minsan ang nagdadala sa training nung dito na ako nagstestay noon. "Kayo po ba ang magtetrain sa amin ngayon? Sinunod po namin parati ang sinabi mo sa amin na mga gagawin araw araw." "That's good to hear. By the way may mga bago akong nakitang mukha." "Ah opo, meron pong bagong pumasok ngayon na week at si Count po ang nagpapasok ngayon." "Hmmm, let me ask you a question." "Ano po yun, Milady?" "Hmmm maybe later." Napatingin ako sa ibang mga gwardya na papunt

