Kryne's Point Of View* Nagpapanik ako ngayon dahil sabay kaming maliligo ni Dio. Hindi naman ito ang unang beses na sabay kaming maliligo. Pero nahihiya pa din ako. At lalo na ngayon kasi napaka akward ng nangyayari ngayon. Dahan dahan niya akong inilapag sa parang tiles na upuan dito sa banyo niya at napatingin ako sa kanya. Napaiwas ako ng tingin habang nakatingin naman siya sa akin. Dahan dahan akong tumingin sa kanya at nakita ko na nag aalala ang mukha niya at napabuntong hininga siya habang nakatingin sa akin. "Okay fine, okay lang naman sa akin na hindi tayo magsabay maligo." Ngumiti siya at hinawakan niya ang pisngi ko na kinakurot ng puso ko. Ramdam ko na nasasaktan siya sa nangyayari ngayon. Ayokong masaktan siya dahil nasasaktan din ako. "If you need anything. Tawagin m

