Kryne's Point Of View* Napamulat ako at agad kong tiningnan ang paligid kung nasaan ako ngayon at napakunot ang noo ko dahil nakatali ang kamay at paa ko ngayon habang nakaupo ako sa upuan. Agad kong nilibot ang paningin ko kung nasaan ako ngayon. Agad kong napansin si Drake na nakatali din sa upuan at ganun din yung impostor. And what the hell kasali pa si Drake sa kinuha ni Luis? Kailangan kong mag concentrate. Nasa isang kwarto kami na may isang pinto lamang at wala ng iba bukod sa upuang inuupuan namin. Hindi nila alam na ako ni Kryne pero bakit sinali nila ako? Natigilan ako nang may narinig akong yapak ng mga paa na kinapikit ko agad at agad nagtulog tulugan. "Hindi pa sila gising? Limang oras na silang tulog ha?" rinig kong ani nung lalaking pumasok. "Gisingin mo kaya para

