3rd Person's Point Of View* Biglang nag alarm ang lugar na kinagulat nila at si Luis naman ay agad naging alerto at tumunog ang cellphone niya at agad niya iyong sinagot. "Bakit tumunog ang alarm?" agad na tanong ni Luis sa mga tauhan niya. "Si Madam nakatakas po, Boss." "What! Dammit! Hanapin niyo si Estella! Di siya pwede makatakas!" "Masusunod po." Agad silang nagmamadaling umalis at lumakad siya paalis sa lugar na iyon at nakita niya si Logan na nakakunot ang noo sa nangyayari sa kapaligiran. Di naman niya kasi alam na buhay pa ang Ina niya na matagal ng tinatago sa kanya ng kanyang Ama. "What happen, Dad?" "Nothing, bantayan mo sila baka makatakas." Umunang lumakad si Luis at di na niya hinintay ang sagot ng Anak. Agad siyang pumunta sa kulungan nito sa tagong lugar ng mans

