Hello!" Sabi ko ng may sumagot sa kabilang linya. "Hello Jhanin, bakit ka napatawag my prublema ba?" Tanong nito ng sumagot. Naiilang ako. "Aahm yung anak ko kasi gusto kang makausap." Sabi ko at binigay ko ang CP sa anak ko sabi ko yung daddy niya. "Daddy. Daddy nasan kana addy. Punta ka na dito daddy." Sabi nito agad ng ibigay ko ang CP ko. Habang umiiyak. "Sssh tahan na ang baby ko. Sige pupunta diyan ang daddy basta wag mong papahirapan ang mommy Ok." Sabi nito sa anak ko. Nag promise naman ito sa daddy niya. Maya maya pinutol na nito ang tawag niya. Tumigil na sa pagiyak ang anak ko nag pabili na sa akin ng jolly hotdog at fries. Tapos binilihan ko siya ng chuckie kaya ng bumalik na kami sa tindahan at ibalik ko na siya sa yaya niya nakangiti na ito habang pinakakain ng yaya

