"Hindi sweetheart, Gusto kong humingi ng tawad sayo sa ginawa ko. Alam ko na siraulo ako dahil sinaktan kita, Pero ang totoo sa tuwing sinasaktan kita nasasaktan ako. Nung makita mo kami sa opisina gusto kitang habulin nun. Pero pinigilan ko lang ang sarili ko walang namamagitan sa amin hindi ko alam na hahalikan niya ako." Sabi niya na lalo lang nagpainit ng ulo ko. dahil naalala ko ulit nung araw na yun. "Kaya pala parang sarap na sarap siya sa paghalik sa stepsisiter ko lokohin mo lelang mong panot." Bulong ko sa isip ko. sabay irap sa kanya. Tumigil na ako sa paghampas sa kanya. Binawi ko ang kamay ko sa kanya. Saka lumayo sa kanya ng konti hindi siya umimik. Pero kita na nasaktan siya sa ginawa ko. "Nasasaktan ako sweetheart kapag nakikita kang umiiyak Gusto Kong yakapin ka. Kaya n

