Gabi na ng makarating ako sa restaurant na pinag-usapan namin. Pagpasok ko, agad ko siyang nakita na kumakaway. "Manager Yuu." mariin kong sambit ng pangalan niya. Ngayon naka kurbata siya. Nang lapitan ko, nakita ko ang isang dinner date na madalas kong mapanood sa TV. Well, this is not your so-called telenovela. That is psycho tactics. "Thirty minutes late, mukang may ibang lakad ka ah." hindi ko siya kinibo, "Sinunod mo ang dresscode natin. Hoping suot mo din ang pinadala ko sa apartment mo." ngayon matalim na ngisi ang binigay niya sa akin. Agad kong inilapag ang envelope sa harap ng table niya, "Tapusin na natin ang kontrata." mariin kong sambit, uminom lang siya wine. Sa inis ko, nilapag ko pa ang credit card ko, "Isama mo na ito lahat. Ayoko nang magkautang sayo." Inilapag niy

